sobrang natutuwa ako sa pinakitang sportsmanship ni manny villar…sover!
sorry kung sasabihin ko ang mga ito…
una kong nakilala si manny villar bilang house speaker na nag-patalsik kay erap. nainis ako nung una kasi alam kong magkaka-gulo pagkatapos nito. pero saludo pa rin ako sa kanyang kakayahan at katalinuhan. nawala ang lahat ng ito nung pagkatapos ma-impeach si erap. sa panigin ko, naging isa siyang aswang! lol! ito ay dahil sa mga sumusunod…
a. naging political prostitute siya! palipat-lipat siya ng partido. walang patutunguhan! kainis, kung saan may pera at kung saan sa tingin nya mananalo, dun siya!
b. naging political ad addict. grabe ang daming political ad. nakakainis na!
c. naging balimbing siya. kung sino sino ang kinakapitan para lang manalo.
in short, kapag tinanong ako ng “kung ano ang ibig sabihin ng TRAPO (TRAditional POlitician)?”. ang isasagot ko lang ay si manny villar.
kaya nung tumakbo siya bilang pangulo, di sumayad sa utak ko na iboboto ko siya. natapos ang botohan at nagging landslide ang pagkapanalo ni noynoy.
si manny!? natalo, pero alam nya kung saan siya lulugar. alam nya na talo siya kaya siya ang unang unang tumanggap nito. dahil dito, saludo ako sa kanya! sobra! ito yung naging “catalyst” para sumunod yung iba. di nya tinularan yung ibang TRAPO na kapag natalo, sasabihin dinaya siya.
madami ding naging ispekulasyon kung bakit siya sumuko agad sa laban. sabi ng ilan, may hidden agenda yan! o gumagawa lang ng pangalan para sa susunod na eleksyon. o nagpapalakas lang para magkaroon ng pwesto sa gobyerno.
kung ano man ang naging rason, ang masasabi ko lang “EH, ANO NAMAN NGAYON? KAYA BA NG IBANG MGA PRESIDENTIABLES ANG MANGUNA SA PAG-AMIN NA NATALO SILA? SUMUNOD LANG SILA, MGA EPALOIDS!”. sana mag-tuloy tuloy na ito. ito na yung maging hakbang ng sinasabi kong “PAGBABAGO” at “PAGHIHILOM”.
sa mga kapwa ko pinoy. kung sino man ang maging pangulo (na sa tingin ko naman ay si noy noy na talaga), its time to change. give people a chance to heal our wounds. sugat na gawa ng mga dating presidente ng bansa...