kahapon lang ako nag-karoon ng pag-kakataon upang dalhin ang na-stuck up kong camera sa pa-gawaan sa maynila. halos tanghali na akong umalis dahil na rin sa tanghali na rin akong gumising. nakarating ako sa patutunguhan ko ng 2 ng hapon. waah! ang init tapos mali pa yung nasakyan ko kaya sobrang haba ng nilakad ko.
nung pauwi na ako, dumaan muna ako sa ayala para kumain. di pa ako kumakain ng tanghalian sa oras na alas-3 ng hapon. sa ayala, sumakay ako ng byaheng dasma. nakatulog ako ng 3 beses, pag-gising ko nasa may EDSA - Macapagal pa lang ako! waah! ganun kabigat ang trapiko. tapos mula SM Bacoor hanggang Salinas umabot ako ng 6.30 ng gabi! waah!
alam nyo ang dahilan?! mga desperadong pulitiko na nagbabaka-sakali na makabingwit pa sila ng boto sa mga nalalabing araw ng kampanya! dito lang talaga sa Pilipinas nangyayari ito! sobrang desperado ang mga tao makakuha ng kapangyarihan! sinasabi nilang ang tao ang pag-sisilbihan ngunit sa dulo ay pansariling hangarin ang kanilang pinamamayani...
0 comments:
Post a Comment