--1.25.2007
At nag-karoon nga…Isa sa pinakamahirap gawin ngayon ay mag-lakad ng walang iniisip. Walang pagbabalik-tanaw sa mga nag-daang araw. Kaya nga’t pumapailanlang lagi sa ating mga isipan ang kung ano ang dapat nating gawinn. Isa ako sa mga taong naniniwala na kung ano ang sinabi mo ay dapat mangyari ngunit di ko maisip kung mag-kakaganun nga ang lahat ng mga sinasabi ko. Ang labo ano? Basta’t magkakaroon nga ang salitang dapat nating isabuhay. Naalala ko ang sabi ni Josephine sa Princess Hours (isang tele-nobela na isinalin sa wikang Filipino) – “Tumatawa tayo, umiiyak at napapagod ngunit di tayo nabubuhay. Nakikiayon lamang tao sa takbo nito”. Di natin makayanang ipagtanggol ang kung ano ang gusto natin. Takot tayong may mangyaring masama sa atin sa at sa iba. Di man lahat ay magkakaganun nga, wag nating paka-isipin na di tayo kaaya-aya. Bagkus ay pagsumikapan nating ibangon ang patay nating kaluluwa.
0 comments:
Post a Comment