March 28, 2008

it was her birthday

--March, 2008
It was her birthday yesterday. Maybe it is just a coincidence but it was also a day where I died for my self. Many things are happening in the office, in our church community, in my former affiliations and to me. I feel that the world is slowly devouring me. In as much as I wanted to explain every thing, I’d rather choose to pick from one of them.

One of my mentors told me that our life in the company and in this world, as well, is not a SPRINT but a MARATHON. Well, indeed my mentor is correct. Most of the times, I try to grab on opportunities only to find out that it is not meant for me. In the end, I will call myself as a cheap looser. Marathon is a footrace run on an open course usually of 26 miles 385 yards (42.2 kilometers). With this long race, it will sure test your endurance and needs deep concentration on what you are doing. If you can read my mind, the operative term is endurance - that is another strong word. The battle of endurance is between you and yourself. The ultimate question is… “Are you going to quit or not?”

Today, I am 3 years and 11 months old in my job. So far, I love it here. I get to enjoy a lot of perks and freebies. I learned to love the technology. I love the values and environment that the company is trying to transpire. Lastly, the company pays me quite fairly. However, as most of the people say that you really cannot please yourself all the time. There are really people that will pull you down. We Filipinos refer to this as CRAB MENTALITY. If someone sees you as a threat, he will do everything just to pull you out of his way. I do not want to drop some names so I will call them as Jack and Jill. We are neither in war nor close to each other. If I ask them questions, they would answer them and vice versa. But frankly saying, I do not like them. I think they are not real people. They are monsters. They are playing as if they are Gods and I truly hate them for that. And to sum up all things, I am their last victim. This breaks my heart. I do not know how I feel at this point. All I have is the fact that both of them are slowly breaking my heart.

Therefore, who is that HER in my first sentence? She was my great love. She decided that it is better if we go on separate ways and master her own craft alone. I grieved but I am happy for her. I am happy but I neither grin nor laugh. I cried and trapped myself inside the solitary room for almost two years. She is indeed my one great love. Every year, I always remember her birth date. And every year, I always find myself in the abyss of darkness.

March 25, 2008

minsan may isang alitaptap…

sa gitna ng isang daan ay natagpuan ko ang isang alitaptap. nagbibigay ito ng mumunting liwanag na aking nababanaag sa gitna ng kadiliman. ibinigay ng alitaptap ang nais kong liwanag. isang tanglaw sa daan na nais kong tahakin. binigyan nito ng kulay ang isang tila masukal na kapaligiran. hinandugan ako ng alitaptap ng lakas ng loob na aking kailangan para magpatuloy at lumaban. at binigay rin nito sa akin ang kakaibang pag-asa na makamit ang aking mga adhikain sa buhay.

habang pumapailanlang ang alitaptap ay gumuguhit ito ng isang dibuhong di ko maintindihan at maipaliwanag. kaya’t ako ay lubusang nabighani sa taglay nitong kakayahan. ninais ko siyang hulihin ay isadlak sa isang garapon upang permanente siyang maging akin. ngunit ako ay nabigo.

ilang araw bago mag-march 1, 2008

Ang saya ng araw ko. Hindi dahil sa nag-kita-kita na naman kaming mag-kakaibigan, kundi dahil sa alam ko na may gagawin akong kakaiba sa isa sa pinaka-matalik kong kaibigan…si Tina.

Si Tina yung tipo ng tao na hindi mahirap pakisamahan. Di siya nangingiming sabihin kung ano ang kulang sa iyo. Sasabihin nya ang gusto nyang sabihin dahil alam nya na ito ang tama at ito ang makakabuti sa lahat. Marami na kaming pinag-saluhan na kalokohan ni Tina. Isa siyang Spider Man fanatic na tulad ko. Ang hilig namin ay gayahin si Spider Man. Tila kami mga gagambang nais na kumawala sa kamangmangan ng mga nasa paligid namin. Nakakatawa dahil feeling namin noon ay wala kami sa mundong aming ginagalawan. Hindi namin iniisip na baka may sabihin ang ibang tao sa amin. Ang nasa aming mga puso ay malaya kami sa kaalipinan ng mundo. May pag-kakataon din na nakasama ko siya sa bahay. Iisang bahay lang tinuluyan namin noong nag-review kami para sa Board Exam sa UP Los Banos. Kasama ko siya sa pag-aaral at sa mga lakad namin. Nakakatuwang isipin na may isang tao na tulad ko. Sa maikling pananalita, isa rin siyang baliw. Walang pag-kakataon na kami ay nag-talo o nag-kainisan man. Kung papipiliin ako ng Diyos na mabuhay na muli at mag-karoon ng ibang kapatid, marahil si Tina ang pipiliin ko.

Ngayon, huling araw ko na siyang makikita bilang Cristina Berti. Sa susunod ay isa na siyang Cristina Dollosa. Kasama ng isa ko pang kaibigan na si Aldrin, hinatid namin siya sa kanilang bahay para sa isang Wedding Shower. Surpresa ito ng kanyang mga kapatid sa kanya bago siya ikasal. Tulad ng dati, ayaw kong umiyak kaya pinigilan ko na maluha. Ito ang pag-kakataon na kailangang maging masaya siya. Di ko naisip kailanman na makadadalo ako sa isang pag-diriwang na katulad nito. Ayaw ko kasi ng mga ganitong happenings. Pero dahil sa importante si Tina sa buhay ko, dumalo ako. Hindi naging madali para sa akin ito, pero kailangan kong pag-labanan ang mga kahinaan ko.

Naging masaya ang pag-diriwang. Marami ay tumawa, umiyak at siyempre kumain. Di ko pinag-sisihan ang pag-punta ko sa Wedding Shower ni Tina. Sa huli, bago kami nag-hiwa-hiwalay nila Aldrin at Tina, niyapos ko si Tina ng buong higpit. Di man ako makakadalo sa isa sa pinaka-importanteng araw ng kanyang buhay, alam ko na magiging masaya siya. Hhhaaayyy…ayaw ko na namang umiyak ngunit wala akong magawa kung hindi lumuha. Sa tuwinang naalala ko ang March 1, 2008, alam ko na may dalawang tao na pinag-buklod ng Diyos na maging isa at may isang tao na mas piniling kilalanin ang sarili nya kaysa dumalo sa kasal ng kanyang kaibigan. Sayang at natutulog siya sa litrato. =)

Tina, kung mag-kakaroon ka ng pagkakataon na basahin ang blog na ito, ang salitang salamat ay di sapat. Kaya ang masasabi ko lang ay wala.

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons