Si Tina yung tipo ng tao na hindi mahirap pakisamahan. Di siya nangingiming sabihin kung ano ang kulang sa iyo. Sasabihin nya ang gusto nyang sabihin dahil alam nya na ito ang tama at ito ang makakabuti sa lahat. Marami na kaming pinag-saluhan na kalokohan ni Tina. Isa siyang Spider Man fanatic na tulad ko. Ang hilig namin ay gayahin si Spider Man. Tila kami mga gagambang nais na kumawala sa kamangmangan ng mga nasa paligid namin. Nakakatawa dahil feeling namin noon ay wala kami sa mundong aming ginagalawan. Hindi namin iniisip na baka may sabihin ang ibang tao sa amin. Ang nasa aming mga puso ay malaya kami sa kaalipinan ng mundo. May pag-kakataon din na nakasama ko siya sa bahay. Iisang bahay lang tinuluyan namin noong nag-review kami para sa Board Exam sa UP Los Banos. Kasama ko siya sa pag-aaral at sa mga lakad namin. Nakakatuwang isipin na may isang tao na tulad ko. Sa maikling pananalita, isa rin siyang baliw. Walang pag-kakataon na kami ay nag-talo o nag-kainisan man. Kung papipiliin ako ng Diyos na mabuhay na muli at mag-karoon ng ibang kapatid, marahil si Tina ang pipiliin ko.
Ngayon, huling araw ko na siyang makikita bilang Cristina Berti. Sa susunod ay isa na siyang Cristina Dollosa. Kasama ng isa ko pang kaibigan na si Aldrin, hinatid namin siya sa kanilang bahay para sa isang Wedding Shower. Surpresa ito ng kanyang mga kapatid sa kanya bago siya ikasal. Tulad ng dati, ayaw kong umiyak kaya pinigilan ko na maluha. Ito ang pag-kakataon na kailangang maging masaya siya. Di ko naisip kailanman na makadadalo ako sa isang pag-diriwang na katulad nito. Ayaw ko kasi ng mga ganitong happenings. Pero dahil sa importante si Tina sa buhay ko, dumalo ako. Hindi naging madali para sa akin ito, pero kailangan kong pag-labanan ang mga kahinaan ko.
Tina, kung mag-kakaroon ka ng pagkakataon na basahin ang blog na ito, ang salitang salamat ay di sapat. Kaya ang masasabi ko lang ay wala.
1 comments:
Edu!!! nabasa ko na din after 5 years! hehehe.. thank you so much :)
Post a Comment