June 26, 2011

hhaayyy...ito na!

kumpleto na ang papel ko! naipasa ko na ang lahat na kailangang ipasa! ano mang araw sa linggong ito ay maibibigay ko na ang huling parte ng bayad ko...

tuloy na tuloy na ako sa Pandaigdigang Araw ng mga Kabataan. masaya ba ako? sa totoo lang ay halong kaba at saya. alam ko ay makikita ko ang Santo Papa dun. makikita ko din si Luigi. nakita ko na siya nung nasa New York ako, pero iba kung makikita ko sa siya sa araw na yun.

wala akong idea kung ano ang gagawin. maaaring unang beses ko pa lang sumali. bahala na. basta ako ay susunod na lamang. mas magandang wala akong aasahan dahil masakit kapag umasa ka lang ng umasa.

alam ko, ang Panginoon ay magkakaloob ng kung ano ang nararapat. hhaaayyy...ayaw kong maningil ng utang kasi alam ko, gagawa at gagawa ang Panginoon ng paraan para magkaroon ako ng pera. ibinibigay ko na lamang sa kanila lahat...

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons