June 26, 2011

di naman pala bilog ang mundo...

umpisa nung umibig akong muli. napatunayan ko talagang tunay na di bilog ang mundo. sa halip, ito ay hugis tao. sa anyo ng pinakamamahal kong si Florizel.

mahal na mahal ko siya. maraming mga bagay na masasabi kong nabago sa akin umpisa nang maging parte siya ng buhay ko. maraming mga bagay na dati kong ginagawa ngunit tinigil ko nang gawin. may mga bagay ding, pinag-iisipan kong gawin para lang sa kanya. =)

ngunit, kami ay dalawang tao pa rin. may kanya kanyang buhay at kailangang umunlad bilang isang indibidwal. sira ulo ako kapag nag-mahal. kasi pakiramdam ko ay kaya ko ang lahat ng bagay. kaya kong i-angat ang mga dapat i-angat. sa mga nakalipas na araw, yun ang isa sa pinaka-importante kong natutunan - ang buuin ang aking sarili nang di dahil sa pag-mamahal ko sa ibang tao kundi dahil sa kailangan kong mag-bago.

marami pa kaming pag-dadaanan. marami pa kaming kailangang bunuin. ang importante, alam kong nasa likod ko lang sa para ako ay kanyang suportahan.

this picture is from here.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons