December 21, 2012

Dec 20: Huling Gabi!

Ngayon ay December 20. Sa oras na, 11.13 PM ay ninais kong huwag manahimik. Di ko alam kung darating na ang katapusan. Paano kaya matatapos ang mundo? Di lang ako ang nagtatanong ng ganito, at marami pang ibang tanong na karugtong nito...

...darating ba ang mga aliens? ano kaya ang hitsura nila? kung sasakupin tayo ng mga aliens, better pa bang lumaban sa kanila or mag-pasakop na lang tayo? pero sabi ni eros atalia, di pa raw sasakupin ang mundo sa 2012. sino ang nag-sasabi ng totoo? si eros o ang mga mayan?

maganda kaya ang spaceship ng mga aliens? totoo kaya yung sinasabi nila di daw natin nakikita ang mga aliens kasi 3 dimensions lang daw kasi talaga ang nakikita natin, ang mga aliens daw ay mahigit pa dun. sa totoo lang, mas natatakot ako sa alien kaysa sa multo. parang mas totoo sila kaysa mga manananggal, tiyanak, etc..

...paano kung walang aliens, sa halip ay mga aswang yung sumakop sa mundong ibabaw? lahat ba ng mga tao ay kakainin nila? ang mga namatay ba dahil nilapa sila ng aswang ay magiging aswang din? paano sila ma-classify kung anong klaseng aswang sila? pede bang mamili? gusto ko yata maging vampire na lang ako tulad ni edward cullen or werewolf tulad ni jacob. paano kung maging tikbalang ako? magkakaroon kaya ng movie tungkol sa akin?

what if, kasama ng mga aswang ang mga aliens at nag-sanib pwersa sila? may laban ba talaga tayo sa kanila? sige, ibahin ko yung tanong. what if ang mga aliens pala na kilala natin sa green or brown na hitsura ay aswang pala. naku! mas malakas yung powers nila! paano talaga tayo nyan makakaligtas? kaya nila kayang lampasan ang mga bagyo dito sa pinas? eh yung mga tsunami sa japan? yung pagputok ng bulkan? kaya kaya nilang withstand yung mga yun?

...sige, ito na ang last. magkakaroon ng delubyo, guguho ang lupa. puputok ang mga bulkang sabay sabay. lilindol at babagyo sa ibat ibang panig ng daigdig. paano kung ganun ang mangyari? handa kaya si sen. dick gordon sa kanyang red cross? eh si eric tayag, makakasayaw pa kaya ng gangnam style kahit lumilindol na? baka naman, makaka-isang kahang sigarilyo si noy noy sa sobrang takot or stressed. makahalakhak pa kaya si kris aquino?
whatever way man magunaw ang mundo, ang magandang isipin ng bawat isa sa atin, tanging Diyos lamang ang tagapag-ligtas - di man itong ating katawang lupa ngunit ang eskatolohikal na ating pangangatawan ay makakalaya lahat ng makamundong mga bagay!

wag tayong mag-worry masyado. hehehe...iba ibang pamamaraan pero sa dulo, mamamatay naman tayong lahat. ang importante, naniniwala tayo sa iisang Diyos...


my last picture before the world ends (daw!)

teka, teka - anong oras ba magugunaw ang mundo? nasan ba yung mga mayan na yan? kailangan kong magtanong kung manila time ba yun or chicago time? lol!

goodbye world! sayang, di mo naman inintay yung kasal ko...lol!

Related Posts:
OAmalayer
ang winasak na kalye...
yahoo!
what is para-di-chlorobenzene?
sold virginity



0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons