November 13, 2012

ang winasak na kalye...

kamakailan lamang ay nagkaroon ng proyekto yata dito sa aming bayan na magbaon ng mga tubo sa gilid ng mga kalye. para sa akin, maganda ito. dagdag trabaho sa mga tao at makakakita ka ng pagbabago sa aming bayan. nakikita ko yung pinupuntahan ng buwis na binabayad ko. ahehehe...

ngunit. isang malaking NGUNIT! bakit kaya iniwan na lang na di maayos ang gilid ng kalye? dating aspaltado ngunit ngyon ay ganito na ang itsura ...





...ang mga bato ay nakakakalat sa gilid ng kalye. nakakaistorbo sa mga taong naglalakad sa tabi ng kalsada. ito ay di lamang sagabal ngunit maaari pa itong maging sanhi ng aksidente. dahil ba sa hindi "main road" ang C. Abueg St. ay di na aayusin ang kalye? tama ba yun?

nakita ko ang ginawa din nilang proyekto sa Governor's Drive. pagkatapos na pagkatapos nilang ilagay ang tubo ay sinementohan agad ang gilid ng kalye. kanina, ay nagsimula na rin silang mag-alis ng mga bato. 

wala na! hanggang dito na lamang kasi ayaw kong makasakit ng ibang tao. ahehehehe...


Related Posts:

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons