June 28, 2011

side comments

it's not getting any better, sa tingin ko sakit ko na! lol! sakit ko nang magbigay ng mga side comments na minsan or malimit pala na medyo off.

lalaki, naapakan yung paa ko sa bus...
ako: uy paa ko yan.
lalaki: sorry po aah. nahihirapan ako sa tayo ko eh.
ako: i do not need your explanation.
lalaki: sorry po ah.

isa lang yan. medyo off di ba? dami pa. anyways, sana ma-overcome ko. kasi parang di na sya maganda...

June 27, 2011

gym session number 3

its my third day to hit the gym. so far, seems that everything is doing cool! iba talaga kapag may ine-aim ka. ano nga ba yung aim ko? TO WEAR THE POLO SHIRT THAT MY GIRLFRIEND GAVE ME AS A BIRTHDAY GIFT.  lol! well, kasya naman talaga sa akin, medyo malaki lang talaga yung tyan ko kaya medyo dyahe for me to wear it. walang confidence kung baga.

anyways, kanina sa gym kasabay ko si Keanna Reeves. ahehehe. naka-shades sya sa loob ng gym. di ko alam kung bakit. kung yung iba, nag-she-shades para di mapansin - iba yung kaso nya. papansin talaga siya. lol! anyways, sa tingin ko naman ay mabait siya.

mabait din nga pala yung gym instructor dun. si marvin. medyo na-cute-an siguro si keanna kaya sya yung laging kausap. siya din yung nag-turo at medyo nag-orient sa akin during my first day...

hhhaaaayyy...sana ay magtuloy tuloy ako. medyo tumataba talaga kasi ako...hehehe...hirap mag-papayat...hhaaayyy...

June 26, 2011

di naman pala bilog ang mundo...

umpisa nung umibig akong muli. napatunayan ko talagang tunay na di bilog ang mundo. sa halip, ito ay hugis tao. sa anyo ng pinakamamahal kong si Florizel.

mahal na mahal ko siya. maraming mga bagay na masasabi kong nabago sa akin umpisa nang maging parte siya ng buhay ko. maraming mga bagay na dati kong ginagawa ngunit tinigil ko nang gawin. may mga bagay ding, pinag-iisipan kong gawin para lang sa kanya. =)

ngunit, kami ay dalawang tao pa rin. may kanya kanyang buhay at kailangang umunlad bilang isang indibidwal. sira ulo ako kapag nag-mahal. kasi pakiramdam ko ay kaya ko ang lahat ng bagay. kaya kong i-angat ang mga dapat i-angat. sa mga nakalipas na araw, yun ang isa sa pinaka-importante kong natutunan - ang buuin ang aking sarili nang di dahil sa pag-mamahal ko sa ibang tao kundi dahil sa kailangan kong mag-bago.

marami pa kaming pag-dadaanan. marami pa kaming kailangang bunuin. ang importante, alam kong nasa likod ko lang sa para ako ay kanyang suportahan.

this picture is from here.

hhaayyy...ito na!

kumpleto na ang papel ko! naipasa ko na ang lahat na kailangang ipasa! ano mang araw sa linggong ito ay maibibigay ko na ang huling parte ng bayad ko...

tuloy na tuloy na ako sa Pandaigdigang Araw ng mga Kabataan. masaya ba ako? sa totoo lang ay halong kaba at saya. alam ko ay makikita ko ang Santo Papa dun. makikita ko din si Luigi. nakita ko na siya nung nasa New York ako, pero iba kung makikita ko sa siya sa araw na yun.

wala akong idea kung ano ang gagawin. maaaring unang beses ko pa lang sumali. bahala na. basta ako ay susunod na lamang. mas magandang wala akong aasahan dahil masakit kapag umasa ka lang ng umasa.

alam ko, ang Panginoon ay magkakaloob ng kung ano ang nararapat. hhaaayyy...ayaw kong maningil ng utang kasi alam ko, gagawa at gagawa ang Panginoon ng paraan para magkaroon ako ng pera. ibinibigay ko na lamang sa kanila lahat...

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons