Nanonood ang addict (addict sa Koreanovela) kong kapatid ng Princess Hours nang ako ay dumating. Naisip ko agad, hindi na naman ako makakapanood ng Trip na Trip. Tapos nakita ko yung episode na pinapanood nya. Ito yung episode na gustong-gusto ko. Kaya nakipanood ako…
Prince Gian: Minsan gusto na kita pakawalan. Minsan gusto pa kitang makasama. Kaya hanggang di ko pa alam ang gusto ko, maaaring bang subukan nating mag-sama?
Princess Janelle: Bakit para tumawa ka?
Prince Gian: Dahil sa masaya ako kapag kasama kita.
Hindi ako typical na romantiko na tao pero natutuwa ako sa mga linyang ito. Kung titingnan mo sa unang titig, parang may pag-kagahaman si Prince Gian dahil sa medyo makasarili siya. Pero kung napanood nyo yung buong Princess Hours, makikita ninyo kung paano siya nabago simula nang magpakasal sila ni Princess Janelle. Mula sa isang taong malungkot, unti unti niyang nakikita ang liwanag ng kaisipan at kagandahan ng isang mundo na di nya inaakalang makikita nya habang siya ay isang prinsipe. Kaya siya nalilito. Kung papakawalan ba niya o gusto pa niyang makasama dahil sa di niya alam kung ano ang nararamdaman ni Princess Janelle.
Para sa akin, Princess Hours ang isa sa pinakamagandang Koreanovela. Nakapanood din ako ng ilan, ngunit kapansin pansin para sa akin ang istorya at mga pangyayari dito.
Princess Janelle: Alam mo ba na sa tuwing nakikita kita nararamdaman kong mas malungkot ka sa akin? Kaya di ko man sinasadya nahulog na pala ang loob ko sa iyo.
May pahabol pa ako ano? Hehe. Sabi yan ni Princess Janelle kay Prince Gian.
I got the picture from http://en.wikipedia.org/wiki/Image:GoongCast.jpg
0 comments:
Post a Comment