isa sa pinaka-ayaw ko ay yung feeling na sobrang blessed mo dahil sa nag-hihirap yung iba. sa tingin ko kasi, di mo kailangan ang ibang tao para maramdaman mo na mapalad ako dahil sa maayos ang aking pamumuhay...
pero, yun yung naramdaman ka kagabi. nag-prepare kami sa bahay kagabi - ang team "couple". we are four in a group - my and my girlfriend and kuya jhing and ate mimi. then, mga pass 10 na kami natapos. hinatid ko yung girlfriend ko sa bahay nila then had a little chat.
nung pauwi na ako, napa-sakay ako sa sidecar na malapit sa mercury drug. ang nasakyan kong pedicab ay isang pedicab na green. may natutulog na bata sa loob. pilit na ginising ng driver (tatay nung bata) yung kanyang anak. lumipat naman yung bata pero makikita mo na sobrang antok pa siya.
the kid was roughly 7 to 9 years old. nakita kong wala siyang sapin sa paa, napakarumi ng mga ito. parang ilang araw na di nag-huhugas. madungis sya, mistulang pinahiran ng uling ang kanyang mga braso at mukha. naka-pikit pa sya at hahapay-hapay sa kanyang pagkakaupo. at isa sa kapansin-pansin talaga sa kanya ay ang baho nya. sorry, mabaho talaga siya. mapanghi.
i don't wanna see kids na may ganung features. naaawa ako. sobrang babaw ng mata ko sa mga ganung bagay. i dont wanna cry. i wanted to help and do something but i am helpless. suddenly, i realized na napaka-swerted ko talaga dahil si Delilah R. Pugay at Herminio B. Alejo ang mga magulang ko. pinalaki nila ako ng maayos at matiwasay.
i felt guilty, i judged the kid. binigay ko na lang sa driver yung sukli sa pera ko. at least, i did something. i know its not enough, pero at least i helped.
0 comments:
Post a Comment