tatayo ako dahil sa national flag yung suot ko (referring to my phil national flag shirt). nung nag-intro si ate lot, naisip ko na na para sa akin tong salita na ito. at nung na-realize ko na ako yung mag-babasa ay natuwa ako. yung ibang tao nirereklamo at nagtatanong kung paano ko nila mamamahalin yung kanilang ka-community or paano nila tatanggapin yung ka-community nila, pero ako sobra kong mahal ang ka-community ko. sobra kong mahal yung community ko at unti unti akong nalulungkot at nasasaktan kung nababawasan kami.
dumaan din naman ako sa panahon na ayaw ko yung community ko. pero natutunan ko silang mahalin. at sabi ko nga, naiinis ako o nagagalit sa mga taong nawawala sa daan. galit ako kina anchit, albert at michael dahil feeling ko iniwan nila ako. sa totoo lang si ako at si ate melda na lang ang nandito sa original community namin. si jasmin, kung napapansin nyo wala siya dito. di ko kasi kayang sabihin sa kanya na bumalik ka sa daan. alam ko na ang daan o pagbalik sa Diyos ay laging depende sa tao. di ko ugaling utusan yung mga kapatid ko na gawin nyo ito or gawin nyo yan.
naiinis ako at nagagalit dahil sa wala akong magawa. at ngayon, ano? alam kong may mababawas pa rin sa amin community. at sa salita ngayon, mag-ibigan kayo. sinasabi ko sa community ko na mahal na mahal ko sila. sobrang mahal at kinukuha ko ang oportunidad na ito para masabi sa kanila yun.
sa totoo lang, sa opisina ay laging may oportunidad na bumalik sa estados unidos. ngunit di ko balak pa munang kuhanin. di dahil sa ayaw ko yung community ko sa estados unidos ngunit alam kong nandito sa community ko yung puso ko, di lang na kay floor, kundi nasa ka-community ko din. at sobra ko silang mahal ay nahihirapan akong pakawalan sila. yun lang.
iyak ako ng iyak habang sinasabi ko ito. alam kasi ng mga ka-community ko ang pinag-daraanan namin. di ko pedeng sabihin dito pero alam ko alam nila yun...
0 comments:
Post a Comment