Malimit akong nakakaramdam ng kalungkutan. Maaaring ito ay dahil sa mga bagay na di ko inaasahang mangyayari at di ko makontrol. Naisulat ko ang mga katagang nasa ibaba mga ilang linggo na ang nakakalipas...Hayaan mo naman akong gumawa ng isang bagay na nais ko at hindi yung inaasahan ng iba na gagawin ko. May buhay ako ngunit di ko nararamdaman na buhay ako. Tumatawa ako ngunit hindi ko mapigil ang lumuha. Nag-sasalita ako ngunit alam kong ang isip ko ay ayaw makipagtalo. Nasisiyahan ako ngunit ang puso ko ay pilit na naghihimagsik. Kung gagawin ko ang nais ko at hindi yung inaasahan ng iba na gagawin ko, ituturing kong ako ay musmos na nag-aalimpuyo ang ulirat dahil sa pagkakasadlak ng aking buhay sa di maipaliwanag na pagkakataon. Ngunit, pag-asa at pag-asa pa rin. Marahil, ang naghuhumalugpos...
April 29, 2008
April 16, 2008
Takot at Pag-asa

Malimit, sa hindi maipaliwanag na mga pagkakataon, kailangan nating gumuhit ng mga larawan sa ating isipan. Isang dibuho ng mga pangyayaring hindi natin maipaliwanag – hindi natin matanto. Ang mga larawang ito ang magbibigay sa atin ng pag-asa na may maitatago pa tayong lakas o kapangyarihan na paikutin ang mga bagay na hindi natin magawa sa ngayon.Mahirap man, ngunit kailangan nating lumaban sapagkat ang may lakas ng loob lamang na lumaban sa agos ay siyang makakarating sa gusto niyang patunguhan. Sa iba, mas gugustuhuin nilang mag-mistulang mga pipi na tumutugon sa bawat pangyayari. Mga bagay na sa tingin nila ay di karapat-dapat ipaglaban....