Naisulat ko ang susunod na sanaysay noong mga panahong nais ko nang kumawala. Aminado akong nalugmok ako sa putikan dahil sa mga bagay na nasa isip ko lamang - mga haka haka. Di ko man alam ang tunay na nangyari ngunit alam kong may basehan ako. Ito ang akong sanaysay...Mas malungkot ang mga gabi pagkatapos kong malaman ang katotohanan. Hindi ko man masambit ang bawat salita na nais kong sabihin, ngunit alam ko ang nararamdaman ko sa loob ng puso ko ay ang pag-aalimpuyo ng mga bagay na DAPAT kong gawin laban sa mga GUSTO kong gawin. May mga bagay na dapat itago mo na lamang. May mga bagay din na kay hirap aminin. Ngunit sa kabila ng lahat, nasa puso ko pa rin ang pag-iimbot at kapalaluan. Alam kong mali ngunit ito ang laman ng aking damdamin.Wika ni Christian Fabroada, “sweet revenge” ang...
May 21, 2008
May 07, 2008
malungkot ngunit buo ang pag-asa
Naglalakad ako. Gumagalaw. Ngunit pakiramdam ko ako ay patay.Nakakakita. Nakakapag-salita. Ngunit iba ang aking nararamdamang kapighatian.Nakakarinig, nakaka-amoy. Ngunit ang pakiramdam ko ay pumapailanlang.Nakakaramdam ng init at ng lamig. Ngunit pakiramdam ko ay manhid.Nakakahawak. Nakakapansin. Ngunit pakiramdam ko ay wala akong ulo.Napakasalimuot nitong buhay. Hindi natin matanto miski ang dapat nating maramdaman. Pag-susupil sa dapat maisabuhay. Pagmamabuti na maging manhid. Pagnanais na makapag-isip ngunit ayaw pakawalan ang pag-kakataon. Sa kabila nang lahat, pag-asa ay buo. May halo mang pag-aalinlangan, ngunit alam ang dapat maisapuso...