Nanunuod ako ng telebisyon kanina nang nawalan ng kuryente. Naturalmente, dumilim ang paligid. Wala akong makita. Kung kilala mo ako ng lubos, alam mong ayaw ko ng madilim kasi malabo ang mata ko kapag madilim at halos wala akong makita. Kaya naman nalungkot ako dahil sa hindi ko mapapanood ang paborito kong palabas sa telebisyon, malamok din ang paligid at walang “electric fan”.Sa kabila nito, ayos lang din naman ang walang ilaw dahil sa mas nakikita ko ang di ko nakikita. Noong nasa ikalawang taon ako ng mataas na paaralan, natutunan ko na ang mata ng tao ay pinipilit umangkop sa kanyang paligid. Maaaring ito man ay maliwanag o madilim. Ganun na nga lang ang nangyari. Unti unti kong napansin na tila maliwanag sa labas ng bahay. Isang pamilyar na liwanag na di ko napapansin matagal na. Naaalala...
July 31, 2008
Ang tagulaylay ng isang anak
Di ko maisip kung ano ang nangyari…Kung ano ang mali? Kung sino ang nagkasala sa ating dalawa. Noon di kita pinapansin. Labas pasok ka man sa pintuan, di kita iniintindi. Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin mo sa akin. Payo mo, pagmamalasakit galing sa iyo o pagalit mula sa iyo. Lahat nang ito ay bale-wala sa akin. Sabi ng iba, dapat daw pasok sa isang tainga ngunit lalabas naman sa kabila. Ganun ang iniisip ko at ganun nga ang nangyayari. Marami akong mga litanya na gusto kong balikan ngayon at alalahanin. Ngunit, wala akong matandaan miski isa.Nagkamali ka man, ngunit iyong pinagsisihan. Pilit mong binabalik ang nakaraan tulad ng tawanan, hiyawan at hagakgakan. Ibinaba mo ang iyong sarili mo sa lebel na di mo maarok. Ginawa mo ito para mahuli mo ulit ang loob ko. Ngunit sa tingin...
July 06, 2008
I celebrated a life
Every morning, I feel good. This is because I believed that “yesterday ended last night”. Marami man siguro akong nasagasaan kahapon, alam ko na ang umaga ang siyang makakapagsabi sa akin na – “may bagong araw para magbago, para humingi ng patawad sa mga di nakasundo”.Isang umaga, di ko inaasahan ang mga pangyayari. Pababa na ako ng bus sa Buendia nang mapansin kong ang bagal ng usad ng mga taong bumababa. If you know me personally, you would know that I am grumpy with in terms of being sluggish. Anyways, people are queued up near the exit door. I can feel that everyone is eagerly waiting for someone else to come down. My instinct is correct and this time the culprit is an old guy with a “tungkod”.Nang makababa na siya, nag-patuloy siya sa pag-lalakad. Kapansin pansin ang kanyang kahinaan...