kamakailan, nag-post ako ng isang tula para sa isang ka-opisina...ngayon naman, ibabahagi ko ang isang tula na hanggang ngayon ay di ko alam kung paano ko ginawa.--==============================Kailan?May luha sa aking mga mataDi man lungkot, di man ligayaKawalan ng emosyon, sa puso nadaramaAng alam ko lang ngayon ako’y lumuluhaLumalalim ang gabiLumalamig ang paligidAko’y nagmumunimuni, kung bakit?Walang pumapasok sa aking isipKailan ako liligaya?Kailan matutupad ang aking pangarap?Kailan sisibol ang pangalan ko?Kailan dadagundong sa buong mundo?Kailan ako makukuntento?Kailan ko makikita ang ganda ng ibang tao?Kailan ako magtitiwala sa hangarin nila?Kailan matatapos ang pag-iisip ko?Kailan magtatapos ang kalungkutan ko?Kailan magwawakas ang kapalaluan ko?Kailan titirik ang mata para huminto?Kailan...
September 25, 2008
September 18, 2008
gaano kalimit ang minsan lamang
nakakatawa yung titulo? parang titulo sa isang pelikula...pero ito ang nararamdaman ko, gaano kalimit ang minsan lamang.noon naiisip ko na dapat minsan lang akong maging malungkot, minsan lang ako maging hindi maayos at higit sa lahat minsan lang ako mag-kamali...ngunit di ko maiwasan. at dahil sa malimit - na dati ay minsan lamang - di ko inaasahan, di ko maintindihan agad. simple lang naman ang gusto ko, maging maayos ang ginagawa ko sa mata ng ibang tao. pero sa kagustuhan kong ito, naiiwan ko ang isang katauhan na di ko nakikilala. mas pinag-hihinahuli ko ang tama, dahil alam kong ang gusto ko ang dapat masunod. dahil sa kalapastanganan kong ito, nakakasakit ako ng tao na di ko nalalaman. itinataboy ko ang dapat kaysa sa kailangan.kapag nararamdaman ko na ito, ipinipikit ko na lamang ang...