April 30, 2009

i do not deserve it...

You cannot please everyone. This is what most people is telling me. I do not know! It’s just that no matter how hard you do it, you just can’t seem to give what everybody loves. I do not know what happened but it seems that I don’t even deserve it. This is related of course to the outcomes season. Anyways, its just it!

April 29, 2009

excited

yes...sa totoo lang excited na ako...di ko lang alam kung saan, hahaha!

sa SJ or sa trabaho?

kung ano man mangyari, sana walang malala.

April 26, 2009

judgement day...

i am a WWE fanatic...
kaya nung nalaman ko na pupunta ang WWE dito sa IL,
bumili na ako ng ticket...
buti na lang gusto din manuod ni john kaya may kasama ako...
pero kahit wala akong kasama...
manunuod ako!

super excited na ako!

April 25, 2009

super girl ana

ngayon ang huling araw ni ana...tunay siyang kawalan sa aming project...
siya yung nagbibigay sa akin ng liwanag sa tuwing nababalutan ako ng dilim...(haha! alam nya yung ibig kong sabihin...)
mawawalan na naman ako ang isang kakulitan sa project...=(
hahaha...bigla akong natawa kasi may naalala ako kay ana na hinding hindi ko malilimutan - nag-simula ito sa isang status ko sa MSN...hahaha...alam na nya yun...
tulad ng tita aji ko. may isa rin akong tula para sa kanya...
ito yun...

Super Ana

Minsan sa di inaasahang pagkakataon
Makikita na lang ang sarili mo sa balon
Buti na lang si Super Ana magaling mambola
Ok fine! Ibahin ko! Mangumbinsi pala

Pokus ang lagi niyang bukang-bibig
Makinig ka sa kanya, resulta’y kaibig-ibig
Kung di malinaw ang gusto mong gawin
Usap kayo ni Ana para ma-pokus natin.

Wika pa nya lagi ay “benefit of the doubt”
Pero tanong ko sa sarili, “what is it all about?”
Magtiwala ka pala sa mga tao sa paligid mo
Ginagawa ko ngayon lahat para magawa ito

Meron pa siyang, isipin mo muna ay ngayon
Bukas ay darating at posibleng di mag-kagayon
Pikit mata kong tinanggap, itong kanyang payo
Tingnan mo kami ngayon, masaya at turing ay “bro”

Sige na nga, wala nang halong biro o kalokohan
Isang matinong tao, itong Ana Lourdes ay pangalan
Mabait, masipag at minsan may kadaldalan
Pero may sense naman lagi, laman ng usapan

Hhaayy…Ilang araw na lang at siya ay lilisan
Buong puso na lang na tanggapin ang kapalaran
Alam naman namin na ito ay sa kanyang kabutihan
Sana’y maalala na lang kami at bigyan ng kayamanan



My Unique Holy Week

Matagal na ang nakalipas, pero masaya ako sa nakaraang mahal na araw. Ang daming nangyaring kakaiba sa akin. Ibang-iba ang experience ko sa mahal na araw dito sa Amerika…

…the Holy Week in US is really different from that of the Holy Week in the Philippines. In US, it’s still a regular working days. Back in Pinas, it’s a whole week vacation! Darn! I miss that so much. L . In any matter, I found this WORKING FRIDAY useful for my fasting! Haha! At least, I can take my mind out of food and I got so busy with work.

…Maundy Thursday is awesome. This became awesome because I was able to attend the washing of the feet. Though I did wash neither someone’s foot nor someone washed mine (except for Jose), I still find it awesome because I just love it. The activity teaches humility – which I badly need.

…Holy Friday is just like a roller coaster ride. At around 2.45, I was trapped in the elevator. Luckily, it’s just on the first floor. But because of this, I was not able to take another full meal before the clock strikes at three – too bad. Then, it’s time. It is time to go to Metra Station and catch up the train going to Franklin Park. I could no longer say NO because I need to. I was so nervous but then I think I delivered it fine. I got the admonition for the Second Reading and Gospel for the Adoration of the Cross. I was trembling at first but I need to overcome it.

…Black Saturday and Easter Vigil are fantastic. This is so far the best Easter Vigil that I attended. The children are all awake. They asked a lot of good questions – though most of them are in Spanish. The baptism is excellent. Father Eric went inside the big tub (cross shaped) and wherein he washed the baby with water. So great!

…Easter Sunday. I watched the movie Rent. This time, I appreciated the play so much because I began to understand every detail of the play. Anyways, we – John, RJ and I – watched Rent in Oriental Theatre few weeks ago. It was my first time to watch it and I was so amazed. Sobrang ganda! Napuno ang araw ko ng SELF INPUT! Hahaha! I think I need to commend myself for a good job with my self input. J .

…Special things. Yes! I was able to complete the fasting and my yearly ritual! At last I did it again! I think the last time was two years ago. This made my Holy Week extra special! So long!

April 12, 2009

Easter Vigil

Sobrang kakapagod, actually noong una nakaka-antok. Pero naging masaya naman ang experience ko. Kakarating ko lang ngayon galling sa Franklin Park. Guess what? Di pa ako inaantok…

Masaya ang Easter Vigil! After a very long and tiring na pag-iintay, natapos din. Ang difference lang ay akala ko purong English yung misa. Hindi pala. There are the usual nine readings, at alternate yung pag-iintroduce at pag-babasa ng readings – English then Spanish. Medyo nakakahilong mag-decipher ng mga words – na usual kong ginagawa - kasi sa bilis nilang mag-salita. Hehe. Pero fulfilling pa rin kahit papaano. My first American Easter Vigil.

Marami pa akong kwento sa susunod kong blog entry – including Maundy Thursday experience, Holy Friday craze at higit sa lahat ang first ENGLISH admonition ko. Hahaha! So long!

Happy Easter!

April 06, 2009

ang aking kaarawan

ngayon ay ipinag-diriwang ko ang aking kaarawan. batid ka na mabilis ang pag-lipas ng panahon at di ko namamalayan na matanda na ako. hehe. oo, masasabi kong matanda na talaga ako. wala namang masama kung tumatanda ang isang tao - ang importante ay may pinag-kakatandaan.

hanggang ngayon, di ko pa rin masabi na may pinag-kakatandaan pa rin ako. hinahanap-hanap ko pa rin ang pag-takbo ko sa kalsada. pakikipag-hagaran sa mga pinsan ko sa ilalim ng buwan. pakikipag-taguan. pakikinig sa mga nakakatakot na kwento ng daddy ko at ng lola ko. ngunit habang binabalikan ko ang mga ala-alang iyon, lalo kong napapansin na matanda na talaga ako. dahil ilang taon na ang lumipas at di na maaaring balikan. ang kailangan lang, humakbang patungo bukas.

nakakatawa. matanda na ako...sa ngayon, ang importante sa akin ay mga bagay na kailangan kong gawin sa sarili ko, sa mga taong nagmamahal sa akin, at sa mga Diyos na laging pumapatnubay sa akin.

maligayang kaarawan edward!

april 6

di mo talaga alam ang mangyayari sa loob ng sampung taon. 10 years ago when my dad died - my dad died april 5 at exactly 4.30 pm, nanunuod kami ng blue blink nun. yun na siguro ang pinaka-maganda at pinaka-malungkot na birthday ko...pinaka-maganda kasi natapos na yung pag-hihirap ng daddy ko sa loob ng 6 months...pinaka-malungkot kasi di ko na siya ulit makikita o makakausap.

makalipas ang sampung, nandito ako ngayon sa chicago, il... sa bansang marami ang nangarap na makalapag ngunit di lahat ay pinalad. dito ko pinag-diriwang ang kaarawan ko. so far, ito ito yung mga natanggap kong regalo...

1. bumili ako ng nintendo dsi para sa sarili ko...
2. pumunta ako sa announcement of easter...
3. nag-salita ako ng marami kanina habang kausap ko si brian, ana at aimee...
4. kumain kami ng ice cream nila john at jay - sila yung unang bumati sa akin ngayong taon sa exact date ng birthdate ko...at yes gising pa rin sila ngayon habang sinusulat ko itong blog kong ito...
5. nanalo si john cena sa wrestlemania...

ang dddddddaaaaaaaaaammmmmmmmmmiiiiiii na! kaya masaya na ako para dito. kung meron pang darating, oks lang. i shall accept it!

happy birthday edward!
happy birthday eddie!
happy birthday edwardo!
happy birthday edong!
happy birthday martin!
happy birthday ed!
happy birthday dward!
happy birthday edu!

kung ano man ang tawag sa akin, wish ko lang ay maging masaya pa lalo ang paglalakbay ko sa susunod pang mga taon. be a good boy!

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons