April 25, 2009

super girl ana

ngayon ang huling araw ni ana...tunay siyang kawalan sa aming project...
siya yung nagbibigay sa akin ng liwanag sa tuwing nababalutan ako ng dilim...(haha! alam nya yung ibig kong sabihin...)
mawawalan na naman ako ang isang kakulitan sa project...=(
hahaha...bigla akong natawa kasi may naalala ako kay ana na hinding hindi ko malilimutan - nag-simula ito sa isang status ko sa MSN...hahaha...alam na nya yun...
tulad ng tita aji ko. may isa rin akong tula para sa kanya...
ito yun...

Super Ana

Minsan sa di inaasahang pagkakataon
Makikita na lang ang sarili mo sa balon
Buti na lang si Super Ana magaling mambola
Ok fine! Ibahin ko! Mangumbinsi pala

Pokus ang lagi niyang bukang-bibig
Makinig ka sa kanya, resulta’y kaibig-ibig
Kung di malinaw ang gusto mong gawin
Usap kayo ni Ana para ma-pokus natin.

Wika pa nya lagi ay “benefit of the doubt”
Pero tanong ko sa sarili, “what is it all about?”
Magtiwala ka pala sa mga tao sa paligid mo
Ginagawa ko ngayon lahat para magawa ito

Meron pa siyang, isipin mo muna ay ngayon
Bukas ay darating at posibleng di mag-kagayon
Pikit mata kong tinanggap, itong kanyang payo
Tingnan mo kami ngayon, masaya at turing ay “bro”

Sige na nga, wala nang halong biro o kalokohan
Isang matinong tao, itong Ana Lourdes ay pangalan
Mabait, masipag at minsan may kadaldalan
Pero may sense naman lagi, laman ng usapan

Hhaayy…Ilang araw na lang at siya ay lilisan
Buong puso na lang na tanggapin ang kapalaran
Alam naman namin na ito ay sa kanyang kabutihan
Sana’y maalala na lang kami at bigyan ng kayamanan



0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons