Sobrang kakapagod, actually noong una nakaka-antok. Pero naging masaya naman ang experience ko. Kakarating ko lang ngayon galling sa Franklin Park. Guess what? Di pa ako inaantok…
Masaya ang Easter Vigil! After a very long and tiring na pag-iintay, natapos din. Ang difference lang ay akala ko purong English yung misa. Hindi pala. There are the usual nine readings, at alternate yung pag-iintroduce at pag-babasa ng readings – English then Spanish. Medyo nakakahilong mag-decipher ng mga words – na usual kong ginagawa - kasi sa bilis nilang mag-salita. Hehe. Pero fulfilling pa rin kahit papaano. My first American Easter Vigil.
Marami pa akong kwento sa susunod kong blog entry – including Maundy Thursday experience, Holy Friday craze at higit sa lahat ang first ENGLISH admonition ko. Hahaha! So long!
Happy Easter!
0 comments:
Post a Comment