The past few days became so special. Special kasi dami kong naiisip at kulang na lang nang lakas ng loob para isulong ang kailangang gawin. Hhhaaayyy! Ang hirap talaga kasi alam mong kailangan mong gawin pero di mo agad magawa.
Siguro napapansin nyo na wala akong masyadong blog entries sa first half ng buwan. Dahil na siguro yun sa sobrang busy ako ngayon at sobrang emotional. Kapag emotional kasi ako, nasasabi ko lahat. Paulo Coelho said in one of his books that emotion is like wild horses that need to be tamed. Tama siya dun. Kailangan kong kontrolin yung emotion ko kasi kapag hindi, patay na! Hehe…
There are some thoughts that I wanted to share with you that molded my emotion for the past few days >>
a. When you see the truth, it started to hurt. This came from the person I consider as Kuya, and its true! Kapag nakita mo ang katotohanan na mali ka, unti unting sumasakit ang puso at damdamin mo. Wwwaahhh! Sobrang naka-relate ako dito nung sinabi nya sa amin (with some of my other friends).
b. You knew me but you never know who I wanted to be. Biktima ako at nambiktima din ako nito. Kahit ano kasing gawin ko, di ko na mabubura sa ibang tao ito yung masama kong ugali. Well, in a way, wala naman akong pakialam kung ano sabihin nila sa akin pero ang punta ko lang – WALA BA AKONG KARAPATANG MAG-BAGO? Haha! Nambibiktima din kasi ganun din yung tingin ko sa ISANG TAO! Haha! This is the best example ng kung anong ginagawa mo sa kapwa mo yun din yung gagawin nila sa iyo. Haha! Anyways, these words from the book of Mitch Albom – Have a Little Faith – is really inspiring! Balang araw, matatanggap ko din yung mga mali ng tao dahil mali ko din yun.
c. God is everywhere. Don’t get me wrong. I know this by heart. Pero ang pinupunto lang nang taong nagsabi sa akin nito ay di importante kung saan ko daw gawin ang dapat kong gawin. Ang importante ay kailangan kong gawin ang dapat kong gawin.
Hhaayy! Magiging mahirap talaga ang mga susunod na araw sa akin. Sana magawa ko.
0 comments:
Post a Comment