hinubad na nang pawisang hapon ang kanyang balabal na ginto at naghalili ng abuhing sutla ng takipsilim.* datapwa't kailangang maging magiliw, kailangan pa ring ipaglaban ang kariktang minimithi ng pusong kay palam...
hindi ko batid ang dapat kong gawin. isang bagay na nakakapanibago dahil batid ko ang sinisigaw ng puso ko ngunit nagaalimpuyo ang isip kong binabawalan ang panaghoy ng isa.
matultulan ko pa kaya ang balak sa akin? mabanaag ko pa kaya ang hapon na tila pinag-kakait sa akin?
wala na nga wala. nakapanaig man ang dilim na tuluyang lumalatag sa aking kabalintunaan, kailangang manalig na may isang Maykapal na magbibigay sa akin ng tamang patutunguhan.
*ang mga unang salita ay halaw sa Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez.
0 comments:
Post a Comment