November 24, 2009

kaya ko pala!

masasabi kong tagumpay ako sa una. naibigay ko nang buong puso at kaluluwa yung dapat kong ibigay...



...nagising ako nang 4 am. maraming agam-agam ang namayani sa puso ko ngunit alam ko na dapat paglabanan ko ito. naramdaman ko na kumukulo yung tiyan ko sa gutom. di pa oras kumain kaya pinagpaliban ko ito.



...naaalala kong bigla ang dapat kong pangalagaan. binuksan ko yung kompyuter ko at nag-bukas ako ng brawser. tama! sakto pa. ngunit konti na lang ang natitira. kaya ko pa bang mabuhay nito? ito yung naging tanong ko agad sa sarili ko. pinasukan ako ng dimonyo. di ko man naiisip na umurong, pero ang mga tanong na...bakit ko ba kailangan gawin ito? ano bang mapapala ko? dapat ba akong mag-paka-gutom? paano ako kakain?



...sinara ko na ang kompyuter ko. wala na akong mapapala kung titingnan ko lang nang titingnan ang dapat kong makita. nung papahiga na ulit ako, gusto kong umiyak. sobrang sakit. pero kailangang paglabanan.



...nakita ko ang bibliya na nasa mesa na pagitan ng kama namin ni jay (kasama ko sa kwarto). kinuha ko ito. alam kong ito lang yung mag-papaliwanag sa akin ng mga tanong ko. unang bukas, parang wala akong napala. nabasa ko yung istorya na kung saan sinisigaw ng mga tao na ipako sa krus si Kristo. nakita ko lang yung sarili ko na hinuhusgahan ko lang din siya. pero di naman ito yung sagot sa tanong ko.



...nagbuklat pa ako nang isa pa. kinalibutan ako. ito na yung sagot. naging bulag ako sa katotohanan. at si kristo, kumuha ng putik at pinag-huhugas ako ng mata sa Siloam. ito na yun. naintindihan kong bigla na, kailangan kong gawin ang mga bagay na ayaw ko kasi para makita ko ang katotohanan.



...kaya, ayun! nagawa ko ang ayaw ko ngunit kailangan. nagawa ko! una pa lamang ito. marami pang mga pagkakataon. kaya ko ito!

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons