July 16, 2010

sarap sa pakiramdam

ang sobrang sarap lang sa pakiramdam kung ang mga ka-trabaho mo ay binibigyan ka ng mga salitang di mo pa nakukuha mula sa ibang tao.

"i am glad that you work so hard and know what you are doing."

tumbas nito'y isang tanikalang ginto na di ko maisip ko kakawala ako o hindi. mataas man ang inaasahan nila sa ginagawa ko, kaya kong gumawa. kahit na gumawa ako sa malayang oras ko, walang problema.

hhaayy...ang sarap lang sa pakiramdam na may nagmamahal sa trabaho mo. di man laging ganito sa lahat ng oras, nag-papasalamat pa rin ako dahil miski isang saglit ay naramdaman ko ang ganitong kasiyahan sa puso.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons