July 10, 2010

disiplina

unang tagpo:
nasa sinehan nanunod ng sine...
bata: mama yan ba si jacob? may gusto ba siya kay bella?
nanay: oo. nagpadala na ako ng pera dun. di ko lang alam kung nakuha nya. (habang nakikipag-usap sa phone).
bata: mama. bakit nagiging aso sila? saan ba sila galing?

ikalawang tagpo:
sa kalsada ng noveleta. halos 2 oras na yung traffic.
driver1: PI mo! bakit singit ka ng singit?
driver2: eh ikaw din naman wala sa linya eh.
driver1: naki-singit na nga ako bakit sisingit ka pa sa akin.

ikatlong tagpo:
7.15 am nasa baclaran.
ako: edsa po daan nyo?
konduktor: oo.
7.30 am nasa baclaran pa rin.
ako: (no comment pero naiinis na)...
babae: bakit ayaw umandar yung mga sasakyan.
konduktor: kailangan po kasi intayin yung stop light dun sa unahan.
7.50 am nasa baclaran pa rin.
konduktor: tagal na po natin dito ano? (nakikipag-usap sa babae)
babae: di naman obvious di ba?

bago na yung presidente natin at hinihiling nya yung tulong natin para mag-bago. sa halip na kung ano ano ang gawin natin - tumuligsa sa mga pulitikong walang magawang kundi magpasasa sa pera ng bayan o pumunta sa kalye upang awayin ang mga taong dapat awayin, tayo mismo mag-bago. tayo mismo patunayan natin na tayo ay pilipino.

di masamang pumuna. ako malimit din sa ganyan. kaso lang, kung daldal lang tayo ng daldal, di matatapos ang usapan. di hihilom ang sugat na iniiwan sa tin ng kahapon.

tama ang sabi sa abs cbn na commercial, ako ang simula ng pag-babago. tayo mismo mag-bago...

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons