July 18, 2010

pinoy ako!

hhaayy...hinahanap-hanap ko minsan ang mga amerikano. ahehehe...bakit? ganito kasi yun,

nung nasa chicago ako, may isang pag-kakataon na pinatugtog ang kanilang pambansang awit. kahit di naman ako amerikano, tumayo din ako para mag-bigay galang sa awitin. napaka-siglang tumayo ang lahat ng mga tao. makikita mo na buong puso ang kanilang pag-tayo at walang halong hiya. mahal na mahal ng mga amerikano ang kanilang pambansang awit. tunay nilang pinag-mamalaki nila na sila ay amerikano.

kanina naman, nanuod ako ng pelikula. at sa pagkakataong ito, pinatugtog din ang pambansang awit ng pilipinas. walang pag-aalinlangan akong tumayo dahil alam kong ito ang tama. ngunit iilan lang kaming tumayo. ang iba ay nagtatawanan pa. nagkataon kasing kasing kulay ng pambansang bandila naman ang suot ko. parang literal na may pag-sasabuhay ng awitin. inuulit ko, IILAN LAMANG KAMING TUMAYO AT ANG IBA AY NAG-TATAWANAN PA!!!  ano bang problema sa pag-tayo ng ilang minuto bilang pag-bibigay galang na lang sa pambansang awit ng pilipinas? ano bang masama kung sumabay ka din sa pag-awit nito? bakit di ba nila pinag-mamalaking pilipino sila? wala ba silang galang sa pambansang awit ng pilipinas? wala na bang halaga sa kanila ang pinag-buwisan ng buhay ng maraming mga pilipino?

di ko man alam ang sagot sa mga katanungang ito, pero isa lang ang masasabi ko. kung nais ko ng pag-babago, sisimulan ko ito sa sarili ko. kung ayaw nilang tumayo at nag-tatawanan pa sila? di ko na sila dapat bigyan ng pansin dahil na rin sa di sila nararapat bigyan ng pansin - mga taong walang galang. ahehehe...

di bawal umupo, di naman pinag-pipilitang tumayo, pero gumalang ka man lang. pinag-mamalaki kong pinoy ako! ikaw?

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons