February 07, 2011

salamat...

bilog talaga ang mundo. minsan, di mo alam ay nasa ibabaw ka na talaga. di mo ramdam na nasa tuktok ka na nang bundok dahil ang tangi mong iniisip ay mabuhay, lumakad at maging masaya sa paglalakbay.

di ko alam, pero kahit ilang buwan na akong pagod sa pag-habol sa trabaho ay ito pa rin ako...sobrang saya. liban sa may nagpapasaya sa akin ay dala na rin marahil ito nang pag-mamahal ko sa trabaho ko. masaya ako sa trabaho ko at sana lamang ay maging masaya yung trabaho ko tungo sa akin.

ang pamilya ko? masasabi kong di kumpleto ang buhay pamilya kung wala ang konting drama. masaya kung may ayaw ka at kung may ayaw sa iyo. pero ang masasabi ko lang, wala ka dapat paki-alam sa kung ano ang isipin ng iba. basta kung dito ka masaya at nasa loob ng puso mo ay kasama ang Panginoon, wala ka dapat pangamba.

sa mga susunod na buwan ay mas magiging masaya pa ang buhay ko bilang isang manlalakbay dito sa mundong ibabaw. unti unting nag-kakaroon ng liwanag ang bawat kadiliman at kulay ang paligid...

salamat sa Diyos at pinapakita nyang lahat sa akin ito dahil sobrang saya ko...

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons