September 27, 2011

things i learned in WYD!

masaya ako dahil nakadalo ako sa WYD - JMJ. di ako nag-eexpect ng kahit ano man nung una pero ang lakas ng tama sa akin ng convivence na ito...

a. move on. yes, move on. bakit? marami sa mga nangyari sa buhay ko - mapa-trabaho yan, love life o personal - ay nahihirapan akong mag-move on. di ko alam. siguro dahil sa alam kong i did my best pero di ko pa rin nakuha yung gusto ko. or, wala naman akong ginawang masama sa ibang tao pero masama pa rin yung tingin nila sa akin. siguro ganun nga. pero dahil sa WYD, na-realize ko na ang bawat isang ito ay nagbibigay ng kulay sa buhay ko. ahehehe. paano ko na-realize yun? dati, galit ako sa mga espanyol dahil sa sinakop nila yung pilipinas. maraming mga impluwensya ng mga pilipino. yung iba masama, yung iba mabuti. pero nandun pa rin yung pagiging makabayan ko lagi. sila yung umapi sa aming mga pilipino. tapos, minsan sinabi ni luigi na - so many bad things have been said against spaniards, from our history classes in elementary to college. but maybe, God allowed those things to happen for our conversion. God let these spaniards introduce salvation - and that is knowing the God. tama naman di ba?

b. i am not alone. i was grouped with the folks from Bicol region. wala akong hangarin na makasakit ng kapwa lalo na sa mga taga-bicol dahil sa ang girlfriend ko ay bicolana din, ngunit madalas siyempre nag-uusap sila ng bicolano at wala akong naiintindihan. in a few days, i felt so alone na lagi akong walang kausap hanggang sa makilala ko sila Claro, Dante at Alena. i felt so good nung makilala ko sila. kasi kinakausap nila ako lagi. sobrang bait nila. actually, i confessed it to a priest during the pilgrimage yung nararamdaman ko. kasi siyempre di ako komportable. ang naging tugon sa akin nung pari ay...si Jesus, kinailangan nya ang Diyos Ama at Diyos Espiritu para matupad ang kanyang kabanalan. ikaw (ako), kailangan mo yung ibang tao para maging isang kristiyano. sobrang gumaan ang loob ko nun. i

sinabi din ni Pope na "we cannot be a Christian alone, we need a community"...

c. maswerte pala ang mga pilipino. kahit na nakapag-aral ako ng wikang espanyol ng ilang buwan, hirap pa rin akong makipagtalastasan sa kanila. hirap kasi di ako sanay at ang bibilis nilang mag-salita. sa aming mga popular mission, sobrang hirap sa pag-sasabi ng aking nararamdaman. plus, nandun pa yung inferiority complex ko about my words. hirap ako. ngunit syempre, ayaw kong gawing balakid ito para di mag-popular mission. habang naglilibot-libot, nakita ko yung mga tao dun kung gaano sila masasabi kong kahabag-habag. marami sa tao dun ay matatanda na lang ang mga nasa kalye. di alam ng kabataan ang mga dapat nilang malaman tungkol sa Diyos. pinapabayaan na lamang nila ang kanilang mga nakakatanda. maswerte ang mga pilipino dahil sa kanilang kultura na maging maalalahanin sa kanilang mga magulang. kahit na minsan ay balakid ito sa kanilang hangarin na makasunod sa salita ng Diyos, ay nandun pa rin yung concern nila para mapag-lingkuran ang kanilang mga nakatatanda.

d. stay with me. higit sa lahat, nasabi ko na rin sa isang blog entry ko about my experience during the vigil with the holy father. ito yung yung isang patunay na ako ay tinawag ng Diyos para makarating dun sa Madrid. sobrang saya ko, He chose me to be there not that I chose to be there.

sarap ng feeling kasi masaya ako. hanggang ngayon nga puspos pa ako. at ngayon, i need to be a prophet for the youth. kailangan ipangalat ko ang mabuting balita ng Diyos!

God loves you! Dios te amas!

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons