July 15, 2009

ito na naman...

ito na naman yung pakiramdam na ito...

dapat masaya ako, dahil sa mga rason sa baba >>

a. masama mang sabihin pero natuwa ako dahil sa pagkakamali ng iba. ang sama ko ano? pero magandang maranasan naman nila yung batas ng isang taong inaalipin...
b. nakatanggap ako ng isang mensahe sa isang tao. di ko inaasahan na ganun yung mensahe nya. natuwa ako. simple pero may kurot sa puso. ayaw ko nang mag-kwento para di ito maging "connect the dots" na tila pinag-durugtong-dugtong ko ang mga kwento, haka-haka, nararamdaman at opinyon. alam ko namang wala. so sana makuntento na ako dun...

pero sa kabila ng mga bagay na dapat kong ika-siya, namumutawi pa rin sa mga labi ko ang lungkot at pag-hihinagpis. pati ang kunot kong noo at mata kong tila napapalibutan ng isang maitim na ulap dahil sa "eye bag". nandito na naman yung sinasabi ko pagkakataon kung saan tinatanong ko ang sarili ko ng "kung sana".

kung sana nasa pilipinas ako, di na ako nagkakaganito. ang "kung sana" ay parating nauuwi sa "akala ko". akala ko magiging masaya ako. at nauuwi ito sa "pero". pero akala ko lang pala yun.

kung sana nasa pilipinas ako, di na ako kailangang gumawa ng isang mahirap na desisyon. akala ko binibigay sa akin ng pag-kakataon. pero di pala...

mahirap ipaliwanag sa iyo. ikaw nga. nag-babasa ng blog entry na ito. kung gaano ako kalungkot ngayon. kung paanong tumutulo ang luha sa aking kaliwang mata na pag-katapos ng ilang saglit ay sa kanan naman. maya-maya pa ay pag-singhot naman ng uhog para di ito tumulo. pag-kalipas naman ng dalawang minuto ay tatawa ako at hahalakhak ng malakas para mapawi ang lungkot. hhaaayyy...ang hirap ngunit ganun talaga. ang buhay ng isang taong nais lumigaya na may sariling plano.

alam ko na nababasa ni God yung puso ko dahil sa labis na pag-darahop. pero nababasa Nya kaya itong blog entry ko na ito? hehe. ayan na naman ako. nag-tatanong kung hanggang saan ang kakayahan Nya. sana mawala na itong nararamdaman kong ito. pero ang kalooban sana ng Nya ang masunod.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons