October 14, 2011

baha, baha at baha pa rin...

nagulantang ang buong pilipinas sa pag-daan ng bagyong Pedring at Quiel. ang lakas ng ulan sa ilang parte ng pilipinas. malakas din ang hangin. dito sa cavite, malakas lang ang hangin, ang ulang dala ng bagyo ay di naman kadami. sa totoo lang di kami binaha sa lugar namin.

ang isa sa masasabi kong masamang nangyari ay ang pagpapakawala ng tubig mula sa ilang "dams" (lagayan ng tubig) sa bulacan. dahil dito, binaha ng husto ang karamihan sa mga bayan ng nasabing probinsya. sabi ng ilan ay ang baha na naranasan nila halos matindi pa sa bagyong Ondoy at Milenyo (mga malalakas na bagyo na nanalasa nung 2009 at 2007 dito sa pilipinas). ang matindi pa dito, sikat na ang araw ay mataas pa rin ang baha. di humupa ang baha ng ilang araw. naging problema ang sanitation at tirahan. napakaraming naging kawawang mga kababayan. marami ang nagpakita ng malasakit sa kapwa pilipino.

sa ibang bahagi, maraming mga tao ang nagpakita ng masasabi kong kababawan. sa halip na lumikas ay pinili ng ilan na manatili sa kanilang mga bahay dahil sa maiiwan nilang mga gamit at ari-arian. ano sa tingin nyo ang reaksyon ko?...

"what? di ba nila naiisip na kapag namatay sila ay wala na rin yung mga ari-arian nila?"

yun lang. alam kong mahirap magsalita ng tapos dahil sa wala ako sa kalagayan nila. pero alam ko ang dapat kong gawin. isalba ang sarili ko at ipag-pasa-Diyos na lang ang lahat. ang mga bagay sa mundo ay mabibili ko pa ngunit walang kapantay na salapi ang buhay ko.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons