December 09, 2011

PGMA dati - CGMA ngayon


Let’s play the “What if” game…
Start with CGMA asking DOJ to travel despite the travel ban given to her >
What if DOJ did not release the travel ban? Well, CGMA would have gone out the country. Possibly, out of nowhere. LOL!
What if DOJ – more specifically de Lima – granted CGMA’s appeal to travel? Marami ang mag-rereklamo. Sasabihin sa gobyerno na bulok ang sistema dahil alam naman nang lahat na guilty si CGMA. Baka maihalintulad pa yan sa pag-takas ni Ramona Revilla. Tsaka baka ngayon, si CGMA ang kauna-unahang president na naka-hospital arrest sa ibang bansa.
What if kung di talaga pumayag si de Lima? Ayun na nga yung nangyari, di ba? Nagagalit ang Supreme Court dahil sa ino-verrule yung kanila TRO at dahil unconstitutional daw yung ginawa ni de Lima. Ngayon naman, gusto siyang i-contempt ng SC.
What if kung di na lang humingi si CGMA ng permission? Next question. Impossible kasi yung “what if” mo.
What if kung hindi binack-upan ni PNoy yung decision ni de Lima? Kalokohan, sabi nga si alter-ego daw ni PNoy si de Lima in terms of decision making sa DOJ. Plus, bago mag-release ng decision si de Lima ay kinausap na nya si PNoy.
What if kung naisampa agad ang kaso kay CGMA? Ayun, kung ganun talaga sana ang mangyari ay di nag-away si de Lima at ang SC. Pero mag-rereklamo naman ang mga abogado na nag-mamadali ang mga taong gobyerno. Makikita mo talaga na maikli talaga ang paa ni CGMA, bago kasi maisampa.
What if kung di na talaga naisampa hanggang ngayon? Hay naku, isa ito sa pinakamadali. Bulok ang sistema kung ganito! Bulok!
What if kung natuloy talaga si CGMA sa ibang bansa? Ha?! Dapat yata ang tanong mo ay “what if kung nakatakas si CGMA papuntang ibang bansa?” Malamang, naghuhuremantado ang mga tao ngayon dahil sa kapabayaan ng gobyerno.
What if kung ma-contempt na nga si de Lima? Eh, di magkasama sila ni CGMA sa preso. Women behind bars. LOL! Galing! Syempre exaggerated na lang yun. LOL!
What if kung di pumayag ang gobyerno/korte na mag-hospital arrest si CGMA? Naku! Gulo yan. Daming mga taong mag-sasabing diktador ang bagong pamunuan ni PNoy.
What if kung di nagpunta di pumayag ang korte na paayos ang CR ni CGMA sa VMMC? Naku, baka bumili na lang si Ms. Horn ng inflatable na swimming pool.
What if kung nagmatigas ang mga pulis na by air ihahatid si CGMA papuntang VMMC? So malaki kita ang Air21 nyan. Bigtime ang client nila, malamang may box silang kasinlaki ng dating pangulo. 

Makikita mo talaga na kahit ano man ang naging desisyon ng mga tao, di mo talaga masasabing masusunod mo lahat ng boss mo. Kung ang mga tao ang boss ni PNoy, well malamang marami na rin syang nasasagasaan. Pero ang mga desisyon ngayon ang mag-sasabi kung sino ang bida bukas. Kaya, intay na lang muna natin ang mangyayari...

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons