our last day of ilocos tour. breakfast first bago kami magpunta sa cathedral ng laoag. mass is in ilocano. ahehe. may bell church din sila pero its across the street pa. ok naman yung church pero mas maganda yung church sa bacarra. then, pumunta kami sa fort ilocandia. as in super ganda nung hotel na yun. cozy and maraming pedeng gawin. well, mayayaman lang naman talaga nag-stay dun. aeheheh...
nakita din namin dito yung desert place nang ilocos. ang galing! medyo umuulan pa rin, kaya di kami naggala ng husto sa labas. sa loob lang. our next stop is paoay. i have two words to say..."OH MY". ang ganda ng lugar ang ganda ng church. this is the one of the best churches na nakita ko so far. nakakapangilabot, dahil matagal ko nang gustong pumunta dito sa lugar na ito.
this is really a historical tugs tugs in my life. lol! as in sobrang saya ko nung andun ako. anyways, we still have a long way to go dahil we need to be pangasinan by 11 pm.
one of things na we are looking for sa pag-uwi namin ay pag-punta namin sa batac. yes batac. sobrang ka-excite kasi kung anong lasa nang empanada sa batac. anyways, we reached batac after an hour. we visited marcos' museum and his body at the nearby building. di ko inaasahan na makikita namin yung katawan nang dating presidente. kaya nung pumasok kami sa loob ng isang malamig na kwarto ay ganun na lamang ang pangingilabot ko.
in the museum, dun ko nakita yung isang pamphlet na ginawa siguro nung isang eleksyon laban kay macapagal - ama ni CGMA.
ang nasabi ko na lang sa sarili ko ay, "HHHMMM"...after the museum tour, ayun! we are off the tindahan ng empanada. the empanada there is simply awesome! the best empanada na nakain ko during our ilocos tour. i ate two. TWO empanada! grabe. one egg, with pork and longganisa then deep fried. dalawang ganun! i said goodbye to my calorie counter!
nakarating kami kina jessie sa takdang oras. masarap ang ulam at ang bangus. grabe! di kaya kinaya. kain ako ng kain.
nakarating kami sa manila by 4 am. walang tulog. nakarating ako sa bahay ng 5 am. the trip is amazing. galing. thanks to tina, jessie and aldrin.
0 comments:
Post a Comment