January 30, 2009

friday!

friday

around 12 pm when the cable guy called and told he is coming in 15 minutes.

5.3o when i was looking for mytv channel in our cable tv.

6 when i found out that my50 is the local version of mytv here in chicago.

6.30 we went out to buy our dinner.

7 when I started to watch friday night smackdown. i love it!

9 when the show ended.

9.15...i am sleepy. =)

January 28, 2009

kailan ang sobra ay kulang?

mahirap malaman kung sobra na ang mga bagay. dati pede ko malaman, di ko alam ngayon kung bakit. pero sa tingin ko sobra na pero sa sabi ng puso ko kulang pa.

una, di ito lab layp - baka yun agad isipin nyo. pangalawa, di din ito work. lalo nang di ito sa mga kapamilya ko.

ang tanong ko lang naman ay, paano mo masasabi kung sobra na yung ginagawa mo para sa iba? ito ba yung ginagawa mo na ang lahat para sa kanila pero di pa nila na-appreciate? o ito ba yung na-aappreciate naman sila sa ginagwa mo pero sa sobrang appreciate eh ikaw na lang lagi ang gumagawa?

paano mo masasabi na, "tama na!" o "sobra na!"? sagot kayo. sa mga makakabasa....

January 25, 2009

our house

photos courtesy of jay arsenio temporal pamilacan...






too much

too much for senti entries. i will be here in chicago for the next 11 months. i should be happy and cherish each moment that i am here.



yesterday was supposed to be a "movie day" for the three of us. it would be the first time that jay, john and i will be watching a movie here in chicago. but due to series of events, we ended up going to some stores near south canal and enjoy ourselves with the snow.


we went to best buy, home depot, staples, dominick's and other nearby stores. we just roam around with nothing to buy. just make ourselves enjoy the bad weather.

ang di sakit...=)

ako ang taong naniniwalang, ang pag-sasalita ng ingles ay depende pa rin sa "mood". hahaha!

ngayon wala ako sa "mood". ang hirap talaga. gusto mong ipagtanggol ang sarili mo pero di mo magawa. kasi wala ka sa mood. kaya sasabihin ko na lang ang depensa ko sa wikang pinoy.

ito yun...

mas masasaktan siguro ang tao kung ipipilit na lang natin ang pagkakataon na di naman dapat. di ba? hindi sa ayaw ko o di ko masabi yung nararamdaman ko. ang gusto ko lang ay nasa tama ang lahat ng mga bagay na ginagawa ko. kasi mas nakakapagsisi kung alam mo yung tama pero mali pa rin ang ginawa mo.

di naman ako pina-asa. kaya ako, di ko na lang pinansin. kasi kung ako yung aasa, lalo pang malala. sabihin na nating nasa "safe side" ako lagi. pero mas ok na sa akin yun kaysa naman magkamali pa ako sa dulo.

so sa tingin mo masaya ako? sabi ng kaibigan kong si jay, masaya daw ako. pero sino ba naman yung magiging masaya kapag may nasasaktan kang tao? di ako masaya, ayaw ko lang tumulo ang maalat na luha sa aking mga mata. sobra na ako sa asin.

kung nababasa man nang taong pinatutungkulan ko ang blog na ito. ang sa akin lang, pareho tayong nasaktan.

January 24, 2009

pagluluto at paglalaba

corny man sabihin pero marami ka talagang matututunan kung nandito ka sa estados unidos. ngayon, habang nagluluto ako ay naglalaba din ako at syempre sinusulat ko itong blog na ito.

hinihintay ko na lang yung puti kong mga damit sa dryer at pinapakuluan ko na lang yung mechado na niluluto ko. ang galing! sa bahay namin sa etivac ay di ko ginagawa ang mga ito pero dahil nga wala na ako sa pinas, kailangan ko nang gawin ito ng sarili ko lamang. kung di ay magugutom ako.

maganda sana dito sa estados unidos pero hinahanap hanap ko pa rin ang pinas. ang sira kong kama. ang maliit kong kwarto. ang tunog ng electric fan ko. ang tv namin. hinahanap-hanap ko rin yung mga kasama ko sa trabaho. yung pag-kain namin sa labas tuwing biyernes. kung saan namin maisip, dun kami kakain. dito naman nagagawa pa din namin yun. pero di tulad ng kasing saya sa pinas.

malaking bahagi na marahil ang pag-kakaiba ng kultura at pananalita ng mga amerikano at ng mga pilipino. haha. nasa proseso pa rin ako ng pag-tanggap na nandito na ako sa estados unidos at wala na ako sa pilipinas.

January 20, 2009

washing and posting

wala lang akong maisip na title.

nakakatawa kanina, nata-ihan ang ko kalapati habang naglalakad kami papuntang popeye's kanina for lunch. medyo kakainis pero di naman mabaho. kaso lang dyahe pa rin. kaya napilitan akong maglaba kahit gabi na. medyo antok na nga ako pero wala naman akong gagamitin na gloves bukas kung di ako maglalaba. dyahe di ba? sabi ni ana, may swerte daw na darating sa akin. pero mukhang malas pa nga kasi nagkaproblema pa yung pinsan ko. parang instead na swertehin ako minalas pa dahil sa nangayari sa pinsan ko. kawawa naman.

masyadong masalimuot ang araw na ito. pero ang maganda lang, nasabi ko kay ana yung concern ko sa pagtatrabaho sa bahay (wfh). hehe. buti na lang naging malakas ang loob ko kanina sa pagsasabi ng nararamdaman. hindi sa ayaw ko nito, may mga ibang bagay lang na di ko gusto.

well, so much for the day. gusto ko nang matulog...

January 18, 2009

sorry...

9 years 9 months and 13 days...i dont know. mas gusto ko nang bitiwan siya kaysa makita siyang naghihirap. masakit pero hanggang ngayon naaalala ko pa yung mga last times na gusto na nyang bumitaw...tatay ko yun...

naaalala ko lang ito dahil sa isang pang-yayari na akala ko kaya kong mapag-hinahunan. ang kuro kuro kong iyon ang nag-dala sa akin upang maging masama sa tingin ng iba.

sa maikling pananalita, matuto ka rin sa mga sinasabi ko. wag kang masyadong brutal sa pananalita at kung ganun ka man kailangan mong humingi ng patawad kung nakasakit ka ng tao.
sa mga nasaktan ko sa mga dati kong blogs. sorry...

January 17, 2009

2 weeks

naka-dalawang linggo na ako sa chicago. grabe, ang bilis 2 weeks agad. 50 more weeks at pauwi na ulit ako. how i wish that time flies so swiftly like the snows that flutter in the evening sky.

currently, may mga bumabagsak na namang snow sa labas. i had to admit it, fascinated ako nung una pero nung tumagal na, ayaw ko na! wala kasi sa pinas eh kaya amazed na amazed ako. pero kinalaunan, hirap ng may snow. madulas na kalye, basang daanan, hassle na pag-susuot ng jacket-gloves-ear muff-warmers-bonnet-scarf na attire. di lang yun, kung gulo-gulo ang buhok ko sa manila, mas magulo ang buhok ko dahil sa bonnet, malimit pumasok yung snow sa fragile eyes ko, may feet is getting numb dahil sa sobrang lamig, i got some rashes dahil sa nanunuyo yung balat ko at higit sa lahat namumula ang mukha ko sa sobrang lamig.

pero so far, marami na akong napuntahan. lalo na yung first week namin. shopping, chatting with other pinoys and eating! ang pangit lang dito sa food, malalaki ang servings nila. di ko kaya yung ganung karami! hahaha!

anyways, keep on reading this blog. marami pa akong kwento. =) . till next time!

January 15, 2009

frozen

currently, the temperature here in chicago falls in - 1 to -15 degree f.

that is roughly, - 18 to -26 degree c. its super cold outside. my face turned red when we walked from cafe mediterranean to target mall.
its hard to believe that there are some places wherein in the temperature still falls way below than this. if this still falls for the next few days, i really have to ask ana if i could work from home.
so far, i am still enjoying the places here in chicago. how about the people? i still haven’t accustomed with them. i am still comfortable with speaking in “tagalog”. i know. i know. i have to get used in english. but what will you expect from a guy who loves the philippines so much? ahaha!

i just need some more time. more time to do adjust.

i hate this, but i have to get numb with the cold temperature and to the totally new culture here in this windy city of chicago. so long!

January 10, 2009

pag-ibig na nakakaubos

“Love is not a feeling; it is an act of our will by which we wish good and not evil to another.”

Ito yung nabasa ko ngayon. Ito man ay nasa wikang ingles, damang dama ko ang ibig sabihin nito. Marami na ang nangyari sa akin dito sa bansang Estados Unidos. Gulong gulo na ang mundo sa pag-kakaiba ng kultura ng mga Pilipino at ng mga Amerikano. Ganun na rin ang kanilang mga gawi, asal at mga bagay sa pang-araw-araw. Sa totoo lang, alam ko naman yun. Ang kaso lang ay nasa proseso pa ako ng pag-tanggap.

Habang ako ay nasa proseso pang ito, ang dami pa ring mga pangyayari na kailangan kong tanggapin. Isa na dito ang pagiging mayabang ko. Madalas, di ko matanggap ang ilang mga bagay na kailangan kong tanggapin. Isa na dito ang pag-sasaisip na kailangang may mga bagay na may mas nakaka-alam sa akin. Sige na. May mas karanasan siya sa pakikipagtalastasan sa mga taong kailangan naming kausapin ngunit alam ko naman na kung bibigyan ako ng pag-kakataon ay magagawa ko din yun.

Kailangan ko siyang mahalin. Sa ayaw ko man o hindi. Hindi man sa pag-mamahal na iniisip ng ibang tao, ito yung pag-mamahal na kailangan kong ipakita sa kanya. Ito na marahil yung pag-ibig na nakaka-ubos - nakakaubos ng pasensya.

i am here...

I am here in Chicago. The feeling is totally different. Boni is right in mentioning that Chicago folks are really good. So far, I am having trouble with the food because the servings are big enough for two people – especially the pasta. Also, it is very cold in here. I need to buy big jackets and put on multiple socks in order to withstand the cold. Beginning to love the place. Hopefully, this continues because I am missing my family and community a lot.

from left to right; jay, me and john.

January 03, 2009

ang ingay ng paligid...

ganito pala ang pakiramdam ng malapit nang malayo sa iyong inang bayan...akala ko di ito mangyayari sa akin...

walang habas na inaapuhap ang aking damdamin...parang gusto ko na ayaw ko na...ngunit huli na ang lahat dahil papasok na ang isang parte ng buhay ko na di ko na maaaring di ko na maranasan pang muli...

marami akong naririnig - payo, mga dapat at hindi dapat gawin - kaya ang ingay ng paligid ko....

di ko alam kung sino ang pakikinggan...di ko alam kung ano ang uunawain...di ko alam kung dapat ba silang intindihin...

ang alam ko lang, malalayo ako ng matagal at maaaring di ko na makita ang mga taong nasa paligid ko pag-balik ko...

nakapag-paalam naman ako ng ayos sa kanila kaya walang dapat umiyak - ang pangit ko kasi kapag umiiyak ako...

sa mga oras na ito, ay nakasakay na ako sa eroplano. babalik man ako, alam kong mahaba ang isang taon...maraming pwedeng mangyari...wala akong kontrol

tanging Diyos lamang ang nakakaalam kung paano ko pinag-hirapan ang pag-kakataon na ito at sana proud siya sa ginawa ko...=)....

hanggang dito na lang muna...baka maiyak na ako...hahahahaha!

January 01, 2009

mga huling habilin...

nakakatuwa, ang dami pa ring mga huling habilin. si tita osie, si daddy peng, si father. pero kahit ano man ang kani-kanilang mga habilin, alam kong excited sila at concern sila sa akin...

akala siguro nila, isa pa akong munting bata. hehehe...

kahapon, despedida party. daming mga tao. sa dami, di ko na ma-isa isa kasi baka may malimutan ako...

pati ako, di na mapakali sa kakaisip kung anong dapat gawin...hhhaaaayyyy....!!!!

excited na malungkot kasi di ko na alam ang mga dapat ko pang gawin. sa sobrang dami, di ko na maisip...hahahahaha!!!

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons