“Love is not a feeling; it is an act of our will by which we wish good and not evil to another.”
Ito yung nabasa ko ngayon. Ito man ay nasa wikang ingles, damang dama ko ang ibig sabihin nito. Marami na ang nangyari sa akin dito sa bansang Estados Unidos. Gulong gulo na ang mundo sa pag-kakaiba ng kultura ng mga Pilipino at ng mga Amerikano. Ganun na rin ang kanilang mga gawi, asal at mga bagay sa pang-araw-araw. Sa totoo lang, alam ko naman yun. Ang kaso lang ay nasa proseso pa ako ng pag-tanggap.
Habang ako ay nasa proseso pang ito, ang dami pa ring mga pangyayari na kailangan kong tanggapin. Isa na dito ang pagiging mayabang ko. Madalas, di ko matanggap ang ilang mga bagay na kailangan kong tanggapin. Isa na dito ang pag-sasaisip na kailangang may mga bagay na may mas nakaka-alam sa akin. Sige na. May mas karanasan siya sa pakikipagtalastasan sa mga taong kailangan naming kausapin ngunit alam ko naman na kung bibigyan ako ng pag-kakataon ay magagawa ko din yun.
Kailangan ko siyang mahalin. Sa ayaw ko man o hindi. Hindi man sa pag-mamahal na iniisip ng ibang tao, ito yung pag-mamahal na kailangan kong ipakita sa kanya. Ito na marahil yung pag-ibig na nakaka-ubos - nakakaubos ng pasensya.
0 comments:
Post a Comment