ganito pala ang pakiramdam ng malapit nang malayo sa iyong inang bayan...akala ko di ito mangyayari sa akin...
walang habas na inaapuhap ang aking damdamin...parang gusto ko na ayaw ko na...ngunit huli na ang lahat dahil papasok na ang isang parte ng buhay ko na di ko na maaaring di ko na maranasan pang muli...
marami akong naririnig - payo, mga dapat at hindi dapat gawin - kaya ang ingay ng paligid ko....
di ko alam kung sino ang pakikinggan...di ko alam kung ano ang uunawain...di ko alam kung dapat ba silang intindihin...
ang alam ko lang, malalayo ako ng matagal at maaaring di ko na makita ang mga taong nasa paligid ko pag-balik ko...
nakapag-paalam naman ako ng ayos sa kanila kaya walang dapat umiyak - ang pangit ko kasi kapag umiiyak ako...
sa mga oras na ito, ay nakasakay na ako sa eroplano. babalik man ako, alam kong mahaba ang isang taon...maraming pwedeng mangyari...wala akong kontrol
tanging Diyos lamang ang nakakaalam kung paano ko pinag-hirapan ang pag-kakataon na ito at sana proud siya sa ginawa ko...=)....
hanggang dito na lang muna...baka maiyak na ako...hahahahaha!
0 comments:
Post a Comment