January 25, 2009

ang di sakit...=)

ako ang taong naniniwalang, ang pag-sasalita ng ingles ay depende pa rin sa "mood". hahaha!

ngayon wala ako sa "mood". ang hirap talaga. gusto mong ipagtanggol ang sarili mo pero di mo magawa. kasi wala ka sa mood. kaya sasabihin ko na lang ang depensa ko sa wikang pinoy.

ito yun...

mas masasaktan siguro ang tao kung ipipilit na lang natin ang pagkakataon na di naman dapat. di ba? hindi sa ayaw ko o di ko masabi yung nararamdaman ko. ang gusto ko lang ay nasa tama ang lahat ng mga bagay na ginagawa ko. kasi mas nakakapagsisi kung alam mo yung tama pero mali pa rin ang ginawa mo.

di naman ako pina-asa. kaya ako, di ko na lang pinansin. kasi kung ako yung aasa, lalo pang malala. sabihin na nating nasa "safe side" ako lagi. pero mas ok na sa akin yun kaysa naman magkamali pa ako sa dulo.

so sa tingin mo masaya ako? sabi ng kaibigan kong si jay, masaya daw ako. pero sino ba naman yung magiging masaya kapag may nasasaktan kang tao? di ako masaya, ayaw ko lang tumulo ang maalat na luha sa aking mga mata. sobra na ako sa asin.

kung nababasa man nang taong pinatutungkulan ko ang blog na ito. ang sa akin lang, pareho tayong nasaktan.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons