January 24, 2009

pagluluto at paglalaba

corny man sabihin pero marami ka talagang matututunan kung nandito ka sa estados unidos. ngayon, habang nagluluto ako ay naglalaba din ako at syempre sinusulat ko itong blog na ito.

hinihintay ko na lang yung puti kong mga damit sa dryer at pinapakuluan ko na lang yung mechado na niluluto ko. ang galing! sa bahay namin sa etivac ay di ko ginagawa ang mga ito pero dahil nga wala na ako sa pinas, kailangan ko nang gawin ito ng sarili ko lamang. kung di ay magugutom ako.

maganda sana dito sa estados unidos pero hinahanap hanap ko pa rin ang pinas. ang sira kong kama. ang maliit kong kwarto. ang tunog ng electric fan ko. ang tv namin. hinahanap-hanap ko rin yung mga kasama ko sa trabaho. yung pag-kain namin sa labas tuwing biyernes. kung saan namin maisip, dun kami kakain. dito naman nagagawa pa din namin yun. pero di tulad ng kasing saya sa pinas.

malaking bahagi na marahil ang pag-kakaiba ng kultura at pananalita ng mga amerikano at ng mga pilipino. haha. nasa proseso pa rin ako ng pag-tanggap na nandito na ako sa estados unidos at wala na ako sa pilipinas.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons