sa kasalukuyan, nandito ako sa sala. nanunuod ng the tonight show with conan o'brien. umaasa na makatisod ng mga salitang makakapag-patawa sa kin sa mga oras na ito. akala ko masaya ako. masaya kasi wala na akong nararamdamang sakit - ngunit hindi pa pala. magaling lang akong mag-tago. magaling lang akong tumakbo sa mga problema. mahusay lang akong mag-kubli ng luha.
minsan natanong ko sa sarili ko, bakit ako tumatakbo? para maiwanan ko ba yung problema ko? para ba kahit sa konting panahon ay mawaglit sa aking isipan na di ako masaya? alam ko lang para sa akin ito. para sa sarili ko kaya akong tumatakbo. gusto kong pumayat - mas pumayat. subalit, nagsisinungaling ako kung di ko sasabihin na parte nga ng pag-takbo ko ay ang makalimot ng problema - kung mababasa ito ni jay at ni john ito sasabihin na naman nila na nagtatago ako sa problema. =) . pero sana maunawaan nila na sanay akong ako lang yung nag-lulutas ng problema ko. kasi alam ko kaya ko ito...
nilipat ko ang channel ng tv. oprah na ito ang pinapanuod ko. tungkol kay ted haggard. nakakatuwa lang isipan kung paano siya minahal ng asawa nya. buong pusong pagmamahal. sa kabila ng ginawa ng asawa nya. pagmamahal na di lang iniisip ang sarili bagkus iniisip kung ano at para pag-mamahal. isa akong gago. isa akong sira ulo. pero marunong din akong mag-mahal.
ang problema ko ay di lang tungkol sa pagmamahal kundi pagtanggap sa nakaraan. kailan ko ba mapapatawad ang sarili ko? di ko pa alam. alam ko lang ngayon, nailabas ko yung nasa puso ko ngayon. mas maluwag na siya. kailangan ko lang siguro konti iyak.
puno ako ng pag-asa na binibigay sa akin ng Panginoon para mas maging malakas lang ako. sana mawala na ito sa mga susunod na araw, pero kung gusto ng Panginoon na yun yung matutupad...