June 08, 2009

umaga na...

tama! umaga na. tulog na sila john at jay. may pasok pa kami bukas. buti na lang at work from home lang kami.

ako naman, ito nag-iisa sa sala. wala pa akong gana na matulog. siguro dahil sa mga gumugulo sa isipan ko.

di ito panahon para mag-senti kasi alam ko masaya ako ngayon. di ko alam. basta masaya ako. parang walang hanggang kalayaan. malaya sa mga bagay.

sana wag mawala itong nararamdaman kong kaligayahan. sana...

pero kung ano yung gusto ng Panginoon. sya pa rin yung matutupad. kung may panahon na kailangan kong sundin ang gusto nya at paglabanan ang nais ko. masakit man sa damdamin pero kailangan kong gawin ang kagustuhan Niya.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons