di ko naman kasalanan kung ganun ako. so anong magagawa ko? kawalan ko na ba yun bilang isang tao? tingnan mo ang isang nakatutuwang usapan ng dalawang tanga >>
OGAG: minsan may mga tao talagang ibababa yung nararamdaman mo dahil di nila makita na tama ang ginagawa mo. ikaw naman si tanga pinaniniwalaan mo yung sinasabi nya. kahit naman alam mong bunga lang yung nang matabil ang dila ni tabil.
TANGA: eh, anong magagawa ko? tanga talaga ako. kaya nga tanga yung pangalan ko eh. pede bang palakasin mo na lang loob ko? kaysa pag-duhan mo pa yung mga ginagawa ko?
OGAG: paano ko nga gagawin yun? eh kahit ano naman sabihin ko sa iyo eh di naman papasok sa makitid mong kokote yung mga sasabihin ko?
TANGA: buti alam mo. ah basta! ang alam ko lang down na down ako ngayon dahil sa pakiramdam ko, di ako tao. isa akong hayup na hindi nilikha ninuman.
OGAG: tingnan mo yung katigasan ng ulo mo! isang tao lang ang nakasakit sa iyo tapos ganyan na nararamdaman mo. parang galit at wala ka nang pakialam sa mundo.
TANGA: galit, definitely hindi. kasi alam ko naman na may pinag-huhugutan si tabil nung sinabi nya na pangit ako. alam ko naman yun eh.
OGAG: hindi ka pangit. ok. ok. ok. di ka lang masyadong gwapo. pero di ka pangit.
TANGA: tingnan mo na! pati ikaw. di ko naman sinasabi na gwapo ako eh. pero kapag sinasabi ni tabil yung mga salita na yun, feeling ko wala na. ako na ang pinaka-pangit na tao sa mundo.
OGAG: di ka lang pala tanga eh. ogag ka pa! sabi ko sa iyo, isang tao lang yun di ba? bakit mo papakinggan yun?
TANGA: di mo nararamdaman ang nararamdaman ko. mababa na self esteem ko. kaya pede bang wag ka na lang maki-alam.
OGAG: eh para saan pa pala ang usapan na ito! hayup ka pala eh. inuman na nga lang tayo at saka ilabas mo pa yung nararamdaman mo.
* ang mga tauhan ay pawang halaw lamang sa aking makitid at di mapaliwanag na isipan...kung may masasaktan o matatamaan sa mga sinasabi ko, wala akong pakialam...
0 comments:
Post a Comment