malungkot ako. oo. at nasa baba yung mga dahilan >>
a. …dahil sa mga naririnig kong nangyayari sa pinas. di ko alam kung yun talaga yung gusto ni God pero ganun talaga. mahirap ang buhay pero kailangan lumaban. saka isa pa, di ko din naman alam kung ganun pa rin ang mangyayari kung nasa pinas ako. waahh! nakakalungkot.
b. …dahil sa di ko na-aachieve yung mga bagay na gusto ko. siguro, para mailagay ko sa mas magandang konteksto, di ko alam kung ano ang gusto ko ngayon i-achieve financially. sa lahat ng ayaw kong problema ay problema sa pera.
c. …dahil maraming nakakapag-pabagabag sa aking pag-katao. minsan nauuwi na lang ako sa isang sitwasyon na tinatanong ko sa sarili ko kung tama ba ang sinasabi ng mga tao sa akin? tama ba na ganun ako?
d. …dahil sa di ko makuha yung tamang timpla ng toyo ko. oo. toyo. tama yung sinasabi kong hormonal imbalance kasi may pagkakataon na ganun talaga ako. wala ako sa mood at mas nalulungkot ako dahil sa di ko ma-kontrol yung mood swings ko.
e. …dahil hanggang ngayon di ko alam kung ano yung plano para sa akin. kung hanggang dito na lang ba ako o kailangan ko nang sundin yung isipan ko. alam kong nag-huhumiyaw yung puso ko na di ito yung para sa akin pero wala pa rin. give me signs, God!
nakakapagod nang maging malungkot kasi ilang araw na rin na ganito ang nararamdaman ko pero anong magagawa ko kung ganito talaga yung nararamdaman ko. di ko naman siguro kailangan mag-paka-plastic para lang i-please yung ibang tao di ba?
0 comments:
Post a Comment