July 08, 2009

distilled water is harmful to your health?

sorry kung mag-papaka-technical ako ngayon...

kanina, nagbabasa ako ng blogs. na-encounter ko ang isang siute na nag-sasabing harmful daw yung distilled water sa health natin. as in sobra akong naging curious dahil di ko alam yung pinag-sasabi nya. ang alam ko, distilled water is safe to drink. nakakainis lang dahil masyadong one sided ang blog nya. well, it is her own opinion not mine. this is mine...

walang evidence na harmful ang distilled water sa katawan natin. unang una, paano naman magiging harmful yung distilled water eh tubig lang talaga yun na tinanggalan ng ions. sige nga? sagutin nyo yung tanong ko. tapos, ang distilled water DAW (sabi ng babaeng blogger na ito) ay harmful dahil nag-aabsorb DAW ito ng carbon dioxide which makes it acidic in nature. sa akin lang, hello? alam ba niya na in general, kapag kumuha ka ng water sa ref, acidic din ito in nature? hello ulit? alam din ba nya na kahit basic yung tubig - pH greater than 7 - ay pede pa ring mag-exist ang carbon dioxide sa tubig? carbon dioxide when dissolved in water yields carbonic acid which is a WEAK ACID.

di naman obvious na inis ako di ba? sana lang sa mga bloggers na tulad ko ay maging responsible tayo sa mga sinasabi natin lalo pa at maraming nakakabasa nito...

sa kabilang banda, tama naman yung sinabi nya tungkol sa vitamin water. wala naman talagang vitamins ang tubig kung pinag-halong distilled water at crystalline fructose lang ang halo nito. magaling siya kasi alam nya yung sinasabi nya kaso lang the way we present the data.

references >> http://www.cyber-nook.com/water/distilledwater.htm and http://www.aquapurefilters.com/contaminates/116/carbon-dioxide.html.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons