December 13, 2009

ang "weekend" ko

matagal-tagal na rin ako dito sa chicago at tama! paalis na rin ako - sampu ng mga kasama ko. nung isang taon, tila wala na akong babalikan sa pinas kapag umalis ako. ngayon ganun na naman yung nararamdaman ko. kaya nga't, di ko sinasayang ang mga sandali na nandito ako sa estados unidos...

sabado...nag-hanap kami (kasama si RJ) ng mga apartments para sa mga papalit sa amin. (di naman sa ayaw kong tumira sila dito sa tinitirhan namin, ang gusto ko lang magkaroon sila ng choices. lol!) marami-rami din kaming napuntahan...sa dearborn at sa lake. habang nag-hihintay kami na ma-kausap yung leasing officer ng isang building, nag-punta kami sa daley plaza. ang daming tao dun. ang daming paninda. sa iba't ibang lugar galing. sa poland, germany at ireland. parang divisoria - american style nga lang.


marami ring pagkain na nabibili. di kami nag-pahuli ni RJ kasi kumain kami ng churros at uminom kami ng mainit na hot chocolate...

meron ding isang malaking christmas tree na kung saan nagpakuha ng picture! lol!


isa sa pinaka-kahangahangang bilihin dun sa daley city ay ang mga maliliit na stars na gawa sa salamin...




gabi naman ng sabado, nagpunta kami sa christmas concert ng mga choir dito sa old st.mary's. sobrang gagaling ng mga bata! magaling din yung mga lalaking kumanta ng solo. sana ganun din yung boses ko. lol! tapos tuloy kami sa despedida ni norms at birthday party naman ni mike sa room nila t.a. daming food.

sunday naman, morning mass tapos diretso kami sa fish pond sa n. clark. filipino restaurant ito na may buffet sila kapag sun from 11.30 to 3.30. grabe, sarap ng food. na-mimiss ko na tuloy yung mommy kong magluto. lol!

nag-pagupit din ako ng buhok. siguro, ito na yung last time kong magpapagupit ng buhok sa tate. lol!

ang saya ng weekend! sobrang busy, pero oks naman...isa ito sa mga dahilan kung bakit kailangan kong maging masaya sa bawat pagkakataon!

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons