di mo maintindihan. minsan kahit alam mo na pero ang hirap pa ring tanggapin...
alam ko naman na di matutumbasan ng pera ang kaligayahan sa mundo. walang kapantay ang pag-yakap mo sa mga taong tila nag-darahop. walang matatamong kapanatagan kung pulos pera na lang ang laman ng puso mong di matinag ng laman.
pero kanina, naramdaman ko ulit yun. gusto ko siyang yakapin. lumuluha siya ng husto. lugmok na lugmok siya sa kanyang pag-kakabagsak. habang lumuluha'y humihingi ka kapatawaran. paano ko siya mapapatawad kung di naman ako galit? ayaw ko ang ganitong sitwasyon, dahil ayaw kong naririnig na siyang ganito lalo pa't wala ako sa tabi nya. gusto ko siyang yakapin ngunit di ko magawa. malayo kami sa isa't isa...
hhayy...kung pede lang ibalik ang nakaraan na nandun ako sa tabi nya...
0 comments:
Post a Comment