August 31, 2010

august 31

patapos na ang buwan ng agosto. hhaayy...bukas ay "ber" months na naman! nakakatakot na masaya. nakakayamot na nakaka-aliw. daming mga nangyari. sari-saring mga emosyon. samu't saring mga haka-haka. maraming lungkot ngunit natabunan ito ng saya. hhhaaayyy...

ber months na bukas. malapit na ang pasko. kapag pumatak na ang todos los santos, wala na! tuloy tuloy na. wala nang makakapigil sa pasko. 

bukas din lalabas na yung list of promotes. ahahaha! syempre wala ako. kasi di pa ako handa - sino nga ba ang kino-convince ko?. ahehehe...

anyways, got to move on. life is unfair so you have to deal with it!

the pink run

why pink!? di ako yung organizer but it sounds cool. anyways, wala naman sa akin ung kulay. ang importante sa akin yung cause. yeabah! ang ganda kasi ng cause nito. sana lang, malaki yung makuha nila at madala sa dapat pag-dalhan.

from pinkrun

so ano ba naman talaga ang purpose nito? fight against breast cancer. wala akong breast cancer pero marami akong kilala na nilalabanan ito. kaya malapit sa puso ko ito. mama ko, used to have a cyst in her breast as well. luckily ngayon wala na. sana mag-tuloy tuloy yung maging maayos siya. 

maraming nangangailangan sa pilipinas. mga taong walang wala. ito ang isa sa paraan ko para matulungan sila...

August 30, 2010

you are the one

ahehehe...lalabas na naman pag-ka-jologs ko. paborito ko talaga tong movie na ito! ahaha! i can relate kasi sa iba't ibang mga bida. ahehehe...this movie is really nice, it is a classic for me. my friend jay, loves this too!

last weekend of august

the word awesome is an understatement to describe how weekend passes through.

saturday

i woke up late for my spanish class - about 5.30. luckily no traffic for a bright and beautiful saturday. ahehehe. its the last class (from a series) so we planned something for next week. next saturday will be a big day for us! its our comprehensive exam. after my class, i went to the office and get my zune charger then headed to makati. i am planning to buy skin for my macbook but no size for my 13' screen model. i had a short confession @ the chapel then tugs tugs - on my way home!

our celebration of the word will be @ ate evelyn tamio's villa. ahehehe. due to traffic, i was late but was able to hear the sharings of some brothers in the community. few more mins and we are on our way to ma'am evelyn tapawan's mansion. the food @ both houses are yum yum! my motto that night was SAY NO TO DIET. ahehehe! 

my photo from tapawan's mansion.

sunday

so excited for the convivence of the year! yeah! it will be the convivence of the year for our community. we will be going to charles borromeo retreat house @ tagaytay! yahoo!

last time that i went here was two to three years ago where i joined the rest of the catechists as they form the community in magallanes, cavite. years have passed and here I am again. so happy, for i really love this place. it is very peaceful. just so love it! morning lauds went well, we ate and the bloody sharing. the sharing lasted for almost three hours. oh my! hahahaha! but it very fruitful and relaxing. some freaked out but its normal. just as long as you know that you correct your brother/sister in the community for the love of God. 



@cb retreat house

weekend is really awesome! yahoo! two more days and i'm through with vacation. ahehehe...

August 27, 2010

priesthood

how funny! in one day, two different nuns asked me if i've tried attending a formation for priesthood. ahehehe...

my answer is simply no. i don't know if it will be hard or easy but the thing is i can feel that it isn't for me. well, it's just my opinion. it will be hard to close all doors. =) .

maria venus raj

isasalaysay ko sana itong blog-entry na ito sa wikang ingles ngunit naalala ko na ako ay isang pilipino - sa isip, sa salita at sa gawa. 

masayang masaya ako nang pumasok si maria venus raj sa semi-finals ng ms. universe. ang galing! nilalarawan talaga niya ang pagiging pinoy nating lahat. ang kanyang kulay, paraan ng pananalita at ganun na rin yung kanyang pakikipaglaban ay pinoy na pinoy! galing! hanga ako sa kanyang dedikasyon at kanyang pagpupunyagi bilang isang tao. 

di naman sa ayaw ko sa ibang mga naging ms. philippines sa ms. universe, pero karamihan sa kanila ay di man lamang nag-sasalita ng diretsong tagalog o ibang dayalekto ng ating bansa. dahil na rin sa kanilang pinag-mulan. kaya nung nakita ko si venus, dalangin ko na na manalo sana siya...

hindi man siya pinalad na mag-uwi ng korona, makita lang ng mga pinoy na rumarampa siya sa entablado ay masaya na dapat tayo. marami ang bumabatikos ngayon sa kanya dahil sa mali daw niyang sagot at dahil sa kanyang "major, major" (pag-sasalin nya sa wikang pinoy na bonggang-bongga), wala akong pakialam. manahimik kayo. ahahaha! sana narinig nyo yung paliwanag nya kung bakit ganun ang sagot nya - di ba? pinoy na pinoy din kasi ang galing mag-palusot. ahehehe!

pumukol ng bato ang perpektong tao! magugulat ka na lang, walang pupukol dahil wala naman talagang perpekto. ano't ano pa man, masaya ako dahil nakapasok si maria venus raj! pinakita nya sa buong mundo na magaganda talaga ang pinay!



from her facebook fan page

from missuniverse.com

August 21, 2010

so happy!

sobra akong saya! kapag nakukuha mo talaga yung pangarap mo ay sobrang kuntento ang mararamdaman mo na parang ayaw mo nang maalis! nakaka-adik! grabe...!

nung mga huling linggo (buwan yata!?) masasabi ko na sobrang hirap ang tatahakin mong landas patungo sa pangarap mo. ito yung kabayaran ng pangarap - ang pag-hihirap. pero kapalit naman ng hirap ang mga sumusunod -

a. isang dakot pag-asa. grabe. tama! pag-asa na kahit ganung kahirap talaga ang isang bagay. kung tuloy tuloy yung pag-pupursige mo ay makukuha mo ang gusto mo. bilang isang programer, kaganapan na ang makagawa ng isang web page. ngunit sa mahigit anim na taon akong nag-tatrabaho, di pa ako nakakagawa ng miski isa nito - tama hindi pa.

b. isang kutsarang sakit. ay naku! sakit talaga sa ulo dahil sa sobrang pagod pero dahil sa marunong naman akong mangalaga sa katawan ko ay napag-lalabanan ko ito.

c. budbod ng yabang. ahehehe. di ko na siguro maalis ito. pero maniwala ka masaya lang ako. tao lang ako, di ko alam kung iba yung dating sa ibang tao pero budbod ng yabang lang talaga ang nararamdaman ko.

d. isang kutsaritang luha. sa sobrang saya. napapaiyak na talaga ako.

e. isang litrong kahinahunan. hhhaayy...kahit ang daming umaapi sa akin sa mga panahon na ito ay sobrang hinahon ko pa ring tatanggapin ang lahat ng sinabi nila. tanging ngiti lang ang magaganti ko sa kanila. ahehehe...

walang makaka-agaw ng kaligayahan ko. ito yung dahilan >>


di pa man tapos ito wala itong error! grabe ganun ako kasaya!

happiness is doing things that you like to those people you love. i love my company well and never felt so fulfilled for the pass 6 years.

August 16, 2010

ako naman...


Kahit pala alam mo na ang hirap pa ring tanggapin. Hhayy (isang napaka-lalim na buntong hininga)

Malimit kong sabihin sa sarili ko na kailangan kong mag-bago. Ipalagay ang loob dahil alam ko na Diyos lamang ang dapat panigan ngunit maraming pagkakataon na pinapasabog ko pa rin ang nasa utak ko. May mga katagang dapat ay tinatago ko na lamang ngunit nasasabi ko pa rin dahil na rin sa bugso ng aking damdamin. Buti na lang at may kaibigan ako na pede kong sabihin yung mga ganun. Kahit alam ko na di magiging maganda yun, para sa akin naman ay >>

edward: ano naman kung pumangit lalo yung tingin nya sa akin? ang importante ay maging tao ako sa harap ng ibang tao - tao na maaaring magalit.

martin: palusot ka pa. mababa na talaga tingin ko sa iyo nun pa.
edward: ano pa ba ang mga kailangan kong gawin? ano ba ang meron ako na wala siya – sila?

martin: lahat! di ka kasi marunong sumipsip tulad ng ibang tao.

edward: sana ako naman ngayon.

martin:baka 2012, pag magugunaw na ang mundo. hayup ka! asa ka ng asa eh. nung una sabi mo di ka umaasa ngayon pala umaasa ka! plastic!

edward:ang sa akin lang naman, ok di ko makukuha sa pagkakataon na ito, pero bakit yung iba? makukuha nila ng walang kahirap hirap. L . alam ko na alam mo mas karapat dapat ka dun pero sa iba naibigay.

martin:no comment! basta wag kang aasa, hayop ka! ang bobo mo kasi tapos aasa ka pa!

August 15, 2010

sometimes you just know that you...


well, it started with a song by jaya and now its running through my mind.

"sometimes you just know" that you...
...are a slave of something because you could not imagine yourself without it.
...feel sick of how pathetic other people can be just to gain power.
...are against the so-called "norms of the society".
...are bitter of other people's success.
...hate people that hates you.
...learned something from someone that you least expect.
...fall in love with someone even if you don't imagine yourself being with that person.
...are happy of the things around you.
...that the greatest thing that you'll ever learn is how to love and be loved in return.
...realize how God loves you so much even though you hate other people.
...that you don't need someone else but the love of God alone.
...were given another day by God to change.
...are God's creation and it is your task to create a better person everyday.

kahapon

ang saya! kahit nalagasan ako ng mahigit sa limang libo kahapon ay ok lang...

kahapon ay celebration ng tita at tito ko ng kani-kanilang birthday. kumain kami sa max's. kasama ang halos lahat sa compound namin. halos lahat ng mag-pipinsan dito sa compound namin ay kasama. its a mini-reunion. grabe. syempre ang "apple of the eye" namin ay ang bunso naming pinsan na si enzo. ahehe...

after eating, bumili ako some things for me sa cdr king. i am not a fan of that store but they really have the cheapest flash drives in town. ahehehe...tapos, sumunod ako sa kanila sa mga pinsan at mga tito at tita ko. ayun, as in parang sa amin ang SM. ahehehe...

nung nakita na naming, antok na si enzo. ayun! uwian na. kami nila, mom, ruth at jasmin ay di pa umuwi. binili ko na si ruth ng sapatos. nung bibili naman sana ako ng gym bag, kita ko na sayang naman kung di aabot sa 1500 yung amount na babayaran ko. (may promo kasi yung credit card na if you buy 1500 and above ay may libreng movie ticket) . kaya ayun! pinabili ko na sila mama ng kung ano ano! ang saya! umabot din kami ng 2000. ahehehe...

sobrang saya talaga kung sama sama kayo! little bonding with my family...

August 11, 2010

sometimes you just know

kinakabaliwan ko ngayong kanta -


Sometimes sometimes you know
Love is starting to grow
You can't say no feelings will show
Your heart says that sometimes you just know

Sometimes somehow you know
Someone really loves you so
There may be doubts of what love's all about
But sometimes you just know that it's love

Refrain:
Love is a swift thing, love conquers all
And sometimes you just know
you're about to fall
It's really funny when you're out of control
But sometimes you just know it's a true love call

Sometimes somehow you know
All your dreams are coming true
Love means a lot and look at what you've got
Coz this time you just know that it's love

Repeat 1st stanza
(sometimes you know)
Repeat refrain
Repeat 1st stanza

This time I'm sure you know
All your dreams are coming true
Love means a lot and look at what you've got
Yes, this time you just know that it's love
Yes, this time you just know that it's love

Coda:
Sometimes, somehow you know
Someone really loves you so

August 07, 2010

SUMASUMPALATAYA

father alex gave delivered an awesome and stupendous homily last night. one very particular thing that i wanna share is the etymology of the term SUMASUMPALATAYA. here's what he said >>

SUMA - means highest degree or very top.

SUM - came from summation or overall.

PALA - is what Filipino's add as prefix if you wanted to say always - e.g. PALA-NGITI means you are always smiling.

TAYA - means taking a risk or some people would say betting.

so, SUMASUMPALATAYA means that "ang pinakamataas na pag-sasasama-sama at palagiang pagtataya sa Diyos"...awesome!

evelyn salt

i love evelyn salt! wwahh! i was able to watch salt last night and it was really awesome! the stunts and twist of story is also ooolala!


i love evelyn salt! i love angelina jolie! yahoo!!

August 06, 2010

baybayin mo ang salitang trapik?

grabe! di ko alam kung saan kinukuha ng mga "may kapangyarihan" ang kanilang guts...

una, hindi sa ayaw ko ng pag-babago pero ang pag-babago ay pinag-aaralan at hindi basta basta isinasatupad o pinipilit. mas importante ang direksyon sa isang pag-babago, hindi yan sa kung kailan or saan mapapabilis ang isang pag-babago.

NOVELETA at KAWIT ay dalawa sa mga bayang dinaraanan ng mga taong pumupunta sa Maynila. Araw araw ay talaga namang sobrang daming estudyante, mang-gagawa at iba pang byahero ang dumadaan sa mga bayang ito para makarating sa kani-kanilang pupuntahan. Kaya naman, kung mag-karoon ng konstruksyon sa daan ay talagang makaka-apekto ito sa pag-lalakbay ng mga tao. Lalong lalo na ang oras ng pag-lalakbay. Ang isang tipikal na byahe mula sa amin patungo sa Mandaluyong ay dapat isang oras lamang - di kasama dito ang trapik. Pero kung bumiyahe ka ng 3 oras dahil sa kabi-kabilang konstruksyon sa daan, di ba SOBRA NA ITO?

Kung kailan, tag-ulan at maraming mga estudyanteng pumapasok ay saka mag-papagawa ng daan? TAMA BA YAN!? Mas pinapalala pa ang trapik sa mga WALANG HABAS NA MGA BUS DRIVERS na walang disiplina sa pag-papababa at pag-sakay ng mga tao. Mas matindi pa dito ay ginagawang bus stop ang bawat kanto!

Hay! Kailan kaya mag-babago ang Pilipinas.

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons