August 06, 2010

baybayin mo ang salitang trapik?

grabe! di ko alam kung saan kinukuha ng mga "may kapangyarihan" ang kanilang guts...

una, hindi sa ayaw ko ng pag-babago pero ang pag-babago ay pinag-aaralan at hindi basta basta isinasatupad o pinipilit. mas importante ang direksyon sa isang pag-babago, hindi yan sa kung kailan or saan mapapabilis ang isang pag-babago.

NOVELETA at KAWIT ay dalawa sa mga bayang dinaraanan ng mga taong pumupunta sa Maynila. Araw araw ay talaga namang sobrang daming estudyante, mang-gagawa at iba pang byahero ang dumadaan sa mga bayang ito para makarating sa kani-kanilang pupuntahan. Kaya naman, kung mag-karoon ng konstruksyon sa daan ay talagang makaka-apekto ito sa pag-lalakbay ng mga tao. Lalong lalo na ang oras ng pag-lalakbay. Ang isang tipikal na byahe mula sa amin patungo sa Mandaluyong ay dapat isang oras lamang - di kasama dito ang trapik. Pero kung bumiyahe ka ng 3 oras dahil sa kabi-kabilang konstruksyon sa daan, di ba SOBRA NA ITO?

Kung kailan, tag-ulan at maraming mga estudyanteng pumapasok ay saka mag-papagawa ng daan? TAMA BA YAN!? Mas pinapalala pa ang trapik sa mga WALANG HABAS NA MGA BUS DRIVERS na walang disiplina sa pag-papababa at pag-sakay ng mga tao. Mas matindi pa dito ay ginagawang bus stop ang bawat kanto!

Hay! Kailan kaya mag-babago ang Pilipinas.

0 comments:

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Best Buy Coupons