Kahit pala alam mo na ang hirap pa ring tanggapin. Hhayy (isang napaka-lalim na buntong hininga)…
Malimit kong sabihin sa sarili ko na kailangan kong mag-bago. Ipalagay ang loob dahil alam ko na Diyos lamang ang dapat panigan ngunit maraming pagkakataon na pinapasabog ko pa rin ang nasa utak ko. May mga katagang dapat ay tinatago ko na lamang ngunit nasasabi ko pa rin dahil na rin sa bugso ng aking damdamin. Buti na lang at may kaibigan ako na pede kong sabihin yung mga ganun. Kahit alam ko na di magiging maganda yun, para sa akin naman ay >>
edward: ano naman kung pumangit lalo yung tingin nya sa akin? ang importante ay maging tao ako sa harap ng ibang tao - tao na maaaring magalit.
martin: palusot ka pa. mababa na talaga tingin ko sa iyo nun pa.
edward: ano pa ba ang mga kailangan kong gawin? ano ba ang meron ako na wala siya – sila?
martin: lahat! di ka kasi marunong sumipsip tulad ng ibang tao.
edward: sana ako naman ngayon.
martin:baka 2012, pag magugunaw na ang mundo. hayup ka! asa ka ng asa eh. nung una sabi mo di ka umaasa ngayon pala umaasa ka! plastic!
edward:ang sa akin lang naman, ok di ko makukuha sa pagkakataon na ito, pero bakit yung iba? makukuha nila ng walang kahirap hirap. L . alam ko na alam mo mas karapat dapat ka dun pero sa iba naibigay.
martin:no comment! basta wag kang aasa, hayop ka! ang bobo mo kasi tapos aasa ka pa!
0 comments:
Post a Comment