isasalaysay ko sana itong blog-entry na ito sa wikang ingles ngunit naalala ko na ako ay isang pilipino - sa isip, sa salita at sa gawa.
masayang masaya ako nang pumasok si maria venus raj sa semi-finals ng ms. universe. ang galing! nilalarawan talaga niya ang pagiging pinoy nating lahat. ang kanyang kulay, paraan ng pananalita at ganun na rin yung kanyang pakikipaglaban ay pinoy na pinoy! galing! hanga ako sa kanyang dedikasyon at kanyang pagpupunyagi bilang isang tao.
di naman sa ayaw ko sa ibang mga naging ms. philippines sa ms. universe, pero karamihan sa kanila ay di man lamang nag-sasalita ng diretsong tagalog o ibang dayalekto ng ating bansa. dahil na rin sa kanilang pinag-mulan. kaya nung nakita ko si venus, dalangin ko na na manalo sana siya...
hindi man siya pinalad na mag-uwi ng korona, makita lang ng mga pinoy na rumarampa siya sa entablado ay masaya na dapat tayo. marami ang bumabatikos ngayon sa kanya dahil sa mali daw niyang sagot at dahil sa kanyang "major, major" (pag-sasalin nya sa wikang pinoy na bonggang-bongga), wala akong pakialam. manahimik kayo. ahahaha! sana narinig nyo yung paliwanag nya kung bakit ganun ang sagot nya - di ba? pinoy na pinoy din kasi ang galing mag-palusot. ahehehe!
pumukol ng bato ang perpektong tao! magugulat ka na lang, walang pupukol dahil wala naman talagang perpekto. ano't ano pa man, masaya ako dahil nakapasok si maria venus raj! pinakita nya sa buong mundo na magaganda talaga ang pinay!
from her facebook fan page
from missuniverse.com
0 comments:
Post a Comment