sobra akong saya! kapag nakukuha mo talaga yung pangarap mo ay sobrang kuntento ang mararamdaman mo na parang ayaw mo nang maalis! nakaka-adik! grabe...!
nung mga huling linggo (buwan yata!?) masasabi ko na sobrang hirap ang tatahakin mong landas patungo sa pangarap mo. ito yung kabayaran ng pangarap - ang pag-hihirap. pero kapalit naman ng hirap ang mga sumusunod -
a. isang dakot pag-asa. grabe. tama! pag-asa na kahit ganung kahirap talaga ang isang bagay. kung tuloy tuloy yung pag-pupursige mo ay makukuha mo ang gusto mo. bilang isang programer, kaganapan na ang makagawa ng isang web page. ngunit sa mahigit anim na taon akong nag-tatrabaho, di pa ako nakakagawa ng miski isa nito - tama hindi pa.
b. isang kutsarang sakit. ay naku! sakit talaga sa ulo dahil sa sobrang pagod pero dahil sa marunong naman akong mangalaga sa katawan ko ay napag-lalabanan ko ito.
c. budbod ng yabang. ahehehe. di ko na siguro maalis ito. pero maniwala ka masaya lang ako. tao lang ako, di ko alam kung iba yung dating sa ibang tao pero budbod ng yabang lang talaga ang nararamdaman ko.
d. isang kutsaritang luha. sa sobrang saya. napapaiyak na talaga ako.
e. isang litrong kahinahunan. hhhaayy...kahit ang daming umaapi sa akin sa mga panahon na ito ay sobrang hinahon ko pa ring tatanggapin ang lahat ng sinabi nila. tanging ngiti lang ang magaganti ko sa kanila. ahehehe...
walang makaka-agaw ng kaligayahan ko. ito yung dahilan >>
di pa man tapos ito wala itong error! grabe ganun ako kasaya!
happiness is doing things that you like to those people you love. i love my company well and never felt so fulfilled for the pass 6 years.
0 comments:
Post a Comment