Sino ba naman ang ayaw na mag-karoon ng maayos at matiwasay na pamilya?
Sino ba naman ang ayaw na mapag-tapos ang kani-kanilang mga anak?
Sino ba naman ang ayaw na mag-karoon ng ma-aluwal na pamumuhay?
Hindi ako. Sa tuwinang nakakakita ako ng mga batang nasa lansangan, ang lagi kong nasa isip ay – “Nasaan ba ang mga magulang ng mga batang ito?”. Wala pa akong anak o pamilya ngunit alam ko na responsibilidad ng mga magulang na bigyan ng mga pangunahing pangangailangan ang kanilang mga anak. Edukasyon, pagkain, bahay, ma-susuot at gamot. Ito yung mga bagay na kailangan ng mga bata. Mahirap bang ibigay ito? Di ko alam. Di ko pa masabi. Ayaw kong maiiwas kayo (bilang mambabasa) sa kung ano ang isyu dito.
Unang tanong, bakit mag-aanak ang isang mag-asawa kung di naman nila kayang buhayin ang kanilang mga anak? Kung wala silang hanap-buhay? Kung wala silang pinag-kakakitaan? Sagot ay hindi ko din alam. Di ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nila.
Ikalawang tanong, bakit kailangan magkaroon ng mga dalagang ina? Mga nag-sisimula pa lang sa kanilang buhay ay may anak na? Mga taong may gatas pa sa labi ay tatlo o apat na ang anak. Kinakati lang ba sila? Sagot ko ay hindi ko din alam.
Ikatlong tanong, bakit may mga taong nagugutom? Bakit maraming tao ang walang-wala at salat sa pag-kain? Sagot ko ay hindi ko din alam. Di pa naman ako nililipasana ng pag-kain. Nagigipit din kami minsan ngunit di pa naman kami sumablay kumain.
Marahil, di ko pa nakikita ang problema. Marahil di ko pa nauungkat kung ano ang dapat at ano ang kasalukuyang sitwasyon. Huling tanong ko na ito, masasagot ba ang kahirapan sa pag-patay ng isang musmos sa tyan ng ina? Masasagot ba ang issue sa trabaho ng pag-gamit ng condom? Masasagot ba ang issue sa pabahay ng simpleng pag-inom ng pills? Ang sagot ko, HINDI.
Ang ugat ng lahat ng mga kahirapan ay korupsyon sa gobyerno. Pagiging ganid ng mga tao. Sakim sa kayamanan at sa kapangyarihan. Ang sagot sa kahirapan ay i-repaso ang mga nasa gobyerno. Natatawa ako sa sinabi nga isang babae sa isang panayam, mas bigyan natin ng pag-asa ang mga batang nasa tyan pa lamang kaysa sa mga taong korap sa gobyerno…sila ang dapat patayin.
Simpleng pamumuhay at pag-talima sa utos ng Diyos. Mga bagay na kailangan nating dapat tandaan.